Senior Citizen dinampot sa pagma-mahjong

Trending ngayon sa social media ang ginawang paghuli ng Quezon City Police sa dalawang Senior Citizen at ikinulong pa nang maaktuhan na naglalaro ng mahjong sa loob naman ng kanilang bahay sa  Base sa post ni Mon Tulfo, kinukundena nito ang ginawa ng mga pulis QC.

Ito ay dahil sa pag-aresto sa dalawang matatanda na nasa edad 70-anyos pataas, na inaresto ng mga pulis Quezon City dahil naglaro sila ng mahjong sa loob ng bahay noong isang gabi.

Nakakulong ngayon ang mga senior citizens sa isang presinto sa Quezon City habang naghihintay na mapiyansahan ng kani-kanilang kamag-anak.

Nabatid na walang search warrant ang mga pulis nang pumasok sa bahay kaya masasabing iligal ang paghuli sa mga biktima at ang pag-aresto sa matatanda.

Ang  mahjong ay nakabubuting laro para sa mga nakatatanda  ldahil ito’y pumipigil sa pagkakaroon ng dementia at Alzheimer’s o pagu- ulyanin.

Giit pa ni Tulfo na dapat ay tinitingnan muna ng mga pulis ang kanilang huhulihin kung malaki ang paglabag o maaari namang sitahin muna at hindi diretsahang ikulong.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...