Bebot ninakawan ng motor ng kelot

Iyak ang isang babae matapos na makitang wala ang kanyang motorsiklo sa paradahan, kahapon sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Agad na inireport sa Project 6 Police Station (PS 15) ni Kim Rica Jimenea ang pangyayari makaraang mawalan ng pag-asa pang makita ang pinag-ipunang motorsiklo nang malaman wala na ito sa paradahan bandang 6:00 ng umaga sa harap ng kanilang bahay.

Mula sa utos  ni PLtCol. Richard Mepania, Station Commander ng PS 15, nasakote ang suspek na si Noroden Ali Disomimba, 28-anyos, residente ng Puno St., Sitio San Roque II, Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City.

Ayon sa report, nakita ng biktima ang kanyang motorsiklo na minamaneho ng suspek kaya agad na inireport sa pulis at nagkaroon ng habulan sa pagitan ng suspek at nagrespondeng pulis hanggang sa ma-corner na ito sa harap ng Veterans Memorial Medical Center sa kahabaan ng North Avenue,  Agham Road, Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City at narekober ang nawawalang motorsiklo na  which resulted in his arrest and the recovery of the stolen motorcycle Blue Suzuki Raider 150 Carb Motorcycle.

Kinasuhan ang suspek ng paglabag sa R.A. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...