Kelot tumalon sa LRT-1, putol ang binti

Putol ang kaliwang binti at nagtamo ng sugat at pasa ang isang 26-anyos na lalaki matapos ang ginawang pagtalon sa  paparating na tren ng  Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Blumentritt Station, Sabado ng umaga.

Sa report ng Department of Transportation (DOTr), naganap ang insidente bandang 6:30 ng umaga nang matagpuan na walang malay ang biktima matapos tumalon sa paparating na tren ng LRT-1.

Ayon kay Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, mabilis na nag- emergency brake ang train operator nang makita na tatalon sa tracks ang biktima.

 Dinala  ang biktima sa pagamutan at nasa stable na ang lagay ngayon matapos na putulan ng binti dahil sa pagkakaipit sa riles ng tren.

Nagkaroon ng aberya sa biyahe ng mga tren at nag- full operation na bandang 6:44 ng umaga.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente kung sadyang tumalon ang biktima o itunulak.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...