2 tricycle driver na tirador ng cable wire sa Malabon, arestado

BAGSAK sa kulungan ang dalawang tricycle driver na kapwa tirador umano ng mga cable wire matapos maaresto ng mga rumespondeng pulis sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jonathan Tangonan ang mga naarestong suspek na sina Chester Esmundo, 27-anyos, residente ng Sto Niño St., Brgy. Concepcion at Crisanto Magallanes, 37 ng Kasarinlan St., Brgy. Muzon.

Lumabas sa imbestigasyon ni PSSg Michael Oben na habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6 sa kahabaan ng Gen. Luna St., Brgy. Concepcion nang isang concerned citizen ang nagreport sa kanila hinggil sa dalawang lalaki na nagpuputol ng cable wire malapit sa nasabing lugar.

Agad namang rumesponde sa nasabing lugar ang mga pulis kung saan naabutan  ang dalawang lalaki na isinasakay sa kanilang getaway tricycle ang pinutol na cable wire bago umalis sa lugar, bandang 4:20 ng madaling araw.

Hinabol sila ng mga pulis hanggang sa maaresto at nakumpiska ang nasa 12 meters globe cable wire na nagkakahalaga ng P25,649, cutter fliers, PVC pipe cutter, ice pick at gamit nilang tricycle na may plate No. 547QXI.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...