TANGING ang TVJ (Tito, Vic, at Joey) at legit Dabarkads lang ang may karapatang mag-celebrate ng 44th anniversary ng Eat Bulaga (EB).
Ito ang mariing binitiwang salita ni Quezon City Vice Mayor (VM) Gian Sotto, anak ni dating
Senador Tito Sotto.
Ang paliwanag na ito ng batang Sotto ay bunsod nang paulit-ulit na pagbanggit ng ilang hosts ng
EB sa GMA7 na malapit na raw nilang ipagdiwang ang kanilang ika-44 na anibersaryo.
Dagdag pa niya, wala raw karapatan ang “revamped na noontime show sa GMA 7” dahil hindi
naman sila naging bahagi ng 44 years na TV show.
Matagal pa raw pag-uusapan ang isyu ng EB, lalo na’t nasa Korte na ito.
Full support si VM Gian magmula sa pilot airing ng E.A.T. sa TV 5 noong Hulyo 1 hanggang sa
ngayon. Masayang-masaya raw ang gwapong anak ni Tito Sen dahil nagi-enjoy ang kanyang
daddy, pati na ang lahat nang binubuo ng programa, pati na rin ang creative at technical staff.
Dati-rati, paminsan-minsan lang nakikita si Tito Sen sa programa pero magmula nang lumipat ito
sa TV5, ay araw-araw na.