- Advertisement -

Libreng Nihonggo program para sa trabaho abroad ikinasa sa Marikina

- Advertisement -
Advertisement

IKINASA ng lokal na pamahalaang lungsod ng Marikina ka-partner ang bayan ng Sakai ng bansang Japan at Onodera User Run, ang anim-na-buwang pagsasanay sa wikang Nihonggo para sa mga estudyante gayundin sa mga bagong nagsipagtapos.

Ayon kay Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro, dahil ito ay libre, layon ng proyektong ito na makapagtrabaho kaagad sa Japan ang mga nagsipagtapos sa nasabing programa na magsisimula sa Hulyo 14, 2025, sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar).

“Ang mga ganitong libreng language training program ay nagbubukas ng mas malalaki at mas magagandang oportunidad [na makapagtrabaho agad] ang ating mga estudyante at fresh grads [sa lungsod],” ang pahayag ni Mayor Maan.

Idinagdad pa ni Teodoro na bukas na ang Onodera User Run facility sa Marikina para sa mga interesadong estudyante na may oportunidad na makapagtrabaho sa industriya ng caregiving, hotel accommodation, at food service na mataas ang demand sa Japan.

“Malaking hadlang para sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa Japan ang hindi marunong sa wikang Nihonggo kaya sa pamamagitan ng programang ito ay maaalis na ang balakid na iyon,” dagdag pa ng dating mambabatas.

BASAHIN  Angat Dam water level rebounds to 178.88 meters after historic lows
Advertisement

Dagdag pa ni Teodoro, “Simbolo ito ng patuloy nating pakikipag-partner sa Sakai Town at Japan kung saan ipinapakita lang nito kung paanong ang kooperasyon ng mga tao sa dalawang bansa ay nagreresulta ng tunay na benepisyo sa mga nasasakupan.”

Sinabi pa ng Mayor Maan na malaki rin ang maitutulong ng Onodera User Run, isang mapagkakatiwalaan ng kompanya pagdating sa pagbibigay ng suporta hindi lamang sa training program kundi pa ti na rin sa job placement hanggang sa assistance kung paano mamuhay sa Japan.

Kasama rin sa nasabing paglulunsad sina Sakai Mayor Masahiro Hashimoto, PLMar President Dr. Franklin E. Ayuson, Mr. Naobumi Yokota ng Embassy of Japan, Onodera User Run President Mr. Jun Kato, at mga opisyal mula sa Institute of Global Business Strategies at JETRO Manila.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

BABALA: Viral “sex scandal” video ng isang “atleta,” phishing scam

VIRAL ngayon sa social media ang pangalang Zyan Cabrera o mas kilala bilang Jerriel “Cry4zee” Cryazee matapos gamitin ang mga larawan at video nila...

Department head uminit ang ulo dahil nasa unahan ang mga regalo ng makakalaban ng kaniyang amo?

May naulinigan tayong isa na namang chizmax mga ka-Brabo. Ayon sa isa nating Chizmaker, nainis daw itong isang Department Head (DH) nang maimbitahan sa isang...

New framework empowers living treasures to pass down indigenous skills to the next generation

FILIPINO learners and indigenous communities are set to gain unprecedented opportunities to preserve and carry forward traditional knowledge following a landmark collaboration between the...

AstraZeneca umamin, COVID vaccine maaaring magdulot ng masamang epekto

SA kauna-unahang pagkakataon ay inamin ng pharmaceutical giant na AstraZeneca batay sa mga isinumite nitong dokumentong legal, na maaaring magdulot ng iilang masamang epekto...

President Marcos enjoins 1,150 Ilocos Norte TESDA graduates to drive economic growth

PRESIDENT Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. urged 1,150 new graduates from the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) to leverage their newly acquired competencies...

District 1 konsehal ng Pasig nagpatayo ng bahay sa District 2?

Matagal na pala itong bulong-bulungan mga ka-Brabo na meron palang magandang lalaki na konsehal ng Pasig mula sa Distrito Uno ang nagpatayo ng bahay...
- Advertisement -