Rapist ng 2 bata sa Marikina arestado sa Sorsogon

Share

ARESTADO ang isang rapist nang magtago sa probinsya matapos halayin noong nakaraang taon ang 2 batang menor-de-edad sa Marikina City na kapitbahay at kalaro ng kaniyang anak.

Kinilala ni PCol. Villamor Tuliao, district director ng Eastern Police District (EPD) ang suspek na si alyas “Buboy,” 39-anyos at tinaguriang ika-7 sa most wanted person ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Batay sa imbestigasyon, palagiang pumupunta sa bahay ng suspek ang dalawang batang biktima upang makipaglaro sa anak nito.

Sinabi pa ni Tuliao na nakakahanap ng pagkakataon ang suspek upang molestiyahin ang isang 8-taong gulang na batang babae at ginahasa naman ang pinsan nito na 7-taong gulang lamang.

Matapos mabuking ang kahayupang ginawa nito sa mga kalaro ng kaniyang anak, agad na nagtago ito sa bayan ng Prieto Diaz sa lalawigan ng Sorsogon kung kaya’t naglabas ng warrant of arrest ang husgado.

BASAHIN  NCRPO ibinida ang kakayahan sa paggamit ng drone

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Acting Presiding Judge ng RTC Branch 192 ng Marikina City, inihain at inaresto ang suspek ng pinagsamang puwersa ng Warrant and Subpoena Unit, 1st Provincial Mobile Force Company ng Sorsogon Provincial Police Office, Prieto Diaz Municipal Police Station at Marikina PNP.

“Nakakadurog ng puso ang nangyari sa mga inosenteng bata. Paglalaro at kasiyahan lang sana ang nasa kanilang isipan ngunit sa murang edad ay naranasan na nila ang karahasan ng isang mapagsamantala sa kanilang kahinaan,” ang pahayag ni Tuliao.

Ang suspek na may kasong rape, 2 counts of child abuse at 3 counts of acts of lasciviousness na inilabas noong Nobyembre 2024 ay kasalukuyang nakapiit sa Prieto Diaz Municipal Police Station at inihahanda na para ilipat sa Marikina City Police Station.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Mga estudyante, titser OK magsuot ng duck hair clips—DepEd

NILINAW ng Department of Education (DepEd) na maaaring magsuot ng nauusong duck hair clips ang mga estudyante sa pagpasok sa paaralan, kung saan trending...