Miss U owner Jakrajutatip, sinagot ang nag-viral na video

Share

NAG-VIRAL sa social media ang video ni Anne Jakrajutatip, owner ng Miss Universe Organization (MUO) habang nakikipag-meeting sa ilang opisyal ng organisasyon.

Sa leaked video, nakikita si Anne kasama si Raul Rocha Cantu, isa pang may-ari ng MUO at ilan pang katao habang nagmi-meeting sa conference room.

Pinag-usapan diumano ng dalawa ang tungkol sa pagkita ng mas maraming pera sa pamamagitan nang pagtanggap sa transgender, may-edad, may- asawa, at may anak sa beauty pageant pero hindi raw sila pwedeng manalo.

Matatandaang bago pa lumabas ang kontrobersiya, mayroon ng dalawang transgender sa 2023 Miss Universe, sina Miss Netherlands Rikkie Valerie Kollé at Miss Portugal, Marina Machete Reis, samantalang si Miss Guatemala, Michelle Cohn ay may dalawang anak.

BASAHIN  Miss Universe pageant, nababoy?

Sinabi ni Anne na “out of context” ang paglalabas ng video. Ginagamit lamang ito para manipulahin ang mga tao, para magkalat ng confusion, hindi pagkakaunawaan at maling konklusyon.

“I hope the world would not go round by this nonsense soap opera alike. I still don’t comprehend why this man, who I was so nice to him, would like to jeopardize me and the organization while we were talking about one of the new reality show episodes not the pageantry itself.”

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

12-Araw na suspensyon sa It’s Showtime – MTRCB

SINUSPINDI ng MTRCB ang noontime variety show na It’s Showtime kahapon, sa loob ng 12airing days dahil sa diumano’y kalaswaan nina Vice Ganda at...