₱170-K halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa QC

Share

Kalaboso ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng ₱170,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation kaninang madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Gahmad Apiran, 21-anyos, Larry Pulido, 43-anyos at Joemar Janapin, 30-anyos, pawang mga residente ng Barangay Culiat, Quezon City.

Matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen kaugnay sa kanilang illegal drug activities, nagkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Project 4 Police Station, sa pangunguna ni PLtCol. Jake Barila, sa kahabaan ng P. Burgos Street, Brgy. Escopa 3, Project 4, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakuha mula sa tatlo ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱170,000, isang coin pouch, dalawang cellular phones, at ang buy-bust money.

BASAHIN  Babaeng masahista ginahasa na, ninakawan pa

Nakakulong na sa QC custodial facility ang mga suspek at kinasuhan ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Bangkay ng lalaki natagpuang lulutang-lutang sa creek

Isang hindi pa nakikilalang  bangkay ng isang lalaki ang natagpuang lulutang-lutang sa creek ng Culiat sa likod ng  San Antonio Elementary School, Barangay Katipunan,...