- Advertisement -

140-K residente, makikinabang sa ika-200 SM health center

- Advertisement -
Advertisement

MAKIKINABANG ang 140,000 residente ng Sta. Cruz, Laguna matapos maitayo ang ika-200
health center ng SM Foundation Inc. (SMFI).


Kahit may mga sira na ang gusali noon, patuloy na naglilingkod si Dr. Elmina Montesa sa
lumang Sta. Cruz Rural Health Unit, pero nang tumulong ang SMFI sa konstruksyon nito,
nagbigay nang pag-asa, lalo na sa maraming maysakit, ang bagong health center.


Hindi lamang mga residente ng Sta. Cruz ang patuloy na pinaglilingkuran ng team nina Dr.
Montesa, kundi, pati na rin sa mga kalapit-bayan, partikular ang mga mahihirap.


Mayroon nang bagong gusali at pasilidad ang health center, bukod sa pinaganda ito at
nagkaroon nang mas malaking espasyo hindi lamang para sa mga pasyente kundi pati na rin sa staff ng health center.

BASAHIN  Mahigit 4,000 pulis, dinisiplina ng PNP
Advertisement


Nakikipag-ugnayan din ang SMFI sa lokal na pamahalaan ng Sta. Cruz para lalong mapahusay ang serbisyo-medikal sa tulong ng dedicated staff nito sa pangunguna ni Dr. Montesa.


Ayon sa SMF, bukod sa pagpapatayo o pagsasaayos ng health centers, nagbibigay din ng
scholarship ang foundation sa mga mahihirap na kabataan.


Samantala, nagdiwang kamakailan ang SMFI dahil sa pagtatapos sa kolehiyo ng 397 scholars nito para sa academic year 2023.

Ayon kay Carmen Linda Atayde, SMFI Executive Director for Education Programs, sa mga
nagtapos, walo ang summa cum laude, 55 magna cum laude, 72 cum laude, at 26 ang academic distinction awardees.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

Southeast Asian Cinema Takes Center Stage as ASEAN Summit Opens in Manila

FILM industry leaders, creatives, and policymakers from across Asia and Europe gathered in Manila for the opening of the ASEAN Film & Television Summit...

Tuspirina outbreak sa QC idineklara

IDINEKLARA ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na isa ng outbreak sa lungsod ang pertussis o “whooping cough” at kilala sa Tagalog na “ubong...

Philippine pastors join 3,000 worldwide in calling for fair trial and protection of religious rights

PHILIPPINE pastors and Christian delegates joined a massive global movement recently, uniting with approximately 3,000 religious leaders worldwide to champion religious freedom, human dignity,...

Philippines targets new growth frontier with AstraZeneca partnership

THE Philippines is setting its sights on becoming Asia’s premier clinical research and life sciences hub, driven by an expanded strategic partnership between the...

‘Kaginhawahan at pag-asa’ maaari nang basahin online sa “wikang kinalakhan” mo

BAKA magulat ka at mamangha na puwede mo nang basahin online ang “wika ng iyong puso” o lenguwahe na kinalakhan mo lalo na kapag...

Asian gold medalist kinilala sa San Juan

Bilang pagkilala sa kanyang galing sa Jiu-Jitsu, pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagbibigay plaque at City Resolution na P100,000 cash...
- Advertisement -