2 ‘Cosmetic Surgeon,’ laglag sa Pulisya

Share

Masyadong malakas ang loob ng dalawang babaeng nagpakilalang cosmetic surgeon dahil nagsasagawa ng mga clinical procedure kahit hindi lisensiyado ang nabisto ang palpak na trabaho, kamakalawa sa lloilo City.

Dinakip ng National Bureau of Investigation-Western Visayas Regional Office ang dalawang hindi na pinangalanang suspek matapos 

makaranggap ng reklamo ang NBI kaugnay sa ginagawang clinical procedure ng dalawang hindi naman otorisadong mag-opera.

Nahuli sa isinagawang  entrapment operation ang mga suspek  sa Molo, Iloilo City matapos  magbayad ng P10,000  marked money ng mga undercover at nakipagdeal sa pagpalaretoke.

Nakatakda sanang magsagawa ng nose lift procedure ang mga suspek  kahit wala silang PRC license.

BASAHIN  Makati, isa sa 2023 World Smart Cities Award finalist

Ayon kay Atty. Lito Magno, Assistant Director ng NBI, inireklamo ng mga complainant ang pagkakaroon ng skin at bacterial infection matapos magpasuri sa mga suspek.

Sinampahan ng reklamong paglabag sa Medical Act ang dalawang suspek, na sumailalim na sa inquest proceedings.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawa at tikom pa rin ang bibig sa pag-amin ng kanilang kasalaman.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Bilang ng nabubuntis bago at pagkatapos ng pandemya, bumaba

BUMABA ang bilang ng mga nabubuntis kahit pa noong bago at pagkatapos ng pandemya, ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Commission on Population...