- Advertisement -

Spaghetti Gang sa Malabon 

- Advertisement -
Advertisement

Nakadale ng aabot sa P9,567.99 halaga ng kawad ng PLDT cable wire ang nakumpiska mula sa isang nagpakilalang line man na umano’y miyembro ng “Spaghetti Gang” at nagtatrabaho ng madaling araw para makapagnakaw ng napagkakakitaang kable na may tanso, kamakalawa sa Malabon City.

Nakilala ang suspek na si alyas “Bert” 40-anyos, residente ng Corregidor St. Brgy 203, Zone 18, Tondo, Manila at nagpakilalang Line man ng PLDT.

Nabuking ang trabaho ng suspek nang mahuli ng mga opisyal ng barangay na aktong nagpuputol ng kawad ng telepono sa McArthur Highway, Brgy. Potrero, bandang 12:30 ng madaling araw.

Nakasaad sa ulat nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/Cpl Rocky Pagindas na isinumite kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan,  nagpapatrulya sina Jason Edora at Edgardo Velasco, kapwa tanod ng Barangay Potrero nang matiyempuhan ang suspek habang nagpuputol ng kawad ng PLDT sa lugar.

BASAHIN  Pulis hinuli ng kabarong MPD sa kasong homicide
Advertisement

Nang sitahin, nagpakilalang lineman ng PLDT si Bert pero  dinala pa rin sa Malabon Police Sub-Station para sa imbestigasyon

hanggang sa dumating si Adonis Palabay, 42-anyos, Security Inspector-Junior Asset Protection Specialist ng PLDT at sinabing hindi  konektado sa kanilang kompanya ang suspek.

Nakuha sa suspek ang ginagamit na dalawang metal na lagari at mga putol na malalaking kawad ng telepono na nagkakahalaga ng P9,567.99 na gagamiting ebidensiya ng pulisya.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek at sinampahan ng kasong pagnanakaw at paglabag sa R.A. 10515 o ang “Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act sa piskalya ng Malabon City.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

Kapitan na namimigay ng pera bida sa masa

SINO kaya itong kapitan ng Pasig na ayon sa mga ka-chizmax natin ay ugali na nitong mamigay ng pera hindi lang sa mga ka-barangay...

BABALA: Viral “sex scandal” video ng isang “atleta,” phishing scam

VIRAL ngayon sa social media ang pangalang Zyan Cabrera o mas kilala bilang Jerriel “Cry4zee” Cryazee matapos gamitin ang mga larawan at video nila...

EJ Obiena sets Asiad record to capture gold in rain-soaked Nagoya

DEFYING a steady drizzle, Filipino pole vault icon Ernest John "EJ" Obiena successfully defended his Asian Games title in dramatic fashion on Tuesday night...

DOLE chief vows legal fight for Metro Manila’s ₱85 minimum wage hike after court injunction

DEPARTMENT of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis N. Tolentino vowed to continue defending the ₱85 wage increase for minimum wage workers in Metro...

Private sector key to solving PH flood crisis, says ex-PACC chief Belgica

HANDING over flood control projects to the private sector is the only effective way to address the Philippines’ chronic flooding crisis and curb rampant...

Philippines targets new growth frontier with AstraZeneca partnership

THE Philippines is setting its sights on becoming Asia’s premier clinical research and life sciences hub, driven by an expanded strategic partnership between the...
- Advertisement -