79-anyos na lola, binugbog ng anak dahil walang ulam

Share

Lantang gulay ang isang 79-anyos na ina makaraang bugbuging ng sariling anak nang makitang walang nakahaing pagkain sa mesa, Biyernes ng gabi sa Barangay Longos, Malabon City.

Nagtamo ng sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na si Nanay Bina nang banatan ng kanyang sariling anak na 41-anyos na si alyas Gene at bukod sa pananakit ay dinagdagan pa ng masasakit na salita na lalong nagpahina sa biktima.

Sa report nina P/SSgt. Diego Ngippol at P/SSgt. Bengie Nalogoc kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, naganap ang insidente bandang 1:20 ng madaling araw sa l;oob ng bahay ng biktima sa Block 45, Lot 8, Brgy. Longos.

BASAHIN  2 Teenager na holdaper arestado sa Malabon

Ayon sa report, umuwi ang lasing na suspek para kumain nang bigla umanong nag-init ang ulo nang makitang walang makain sa kanilang mesa at agad na nagmumura at sinaktan ang sariling ina na natutulog ng mga oras na iyon.

Agad namang nakahingi ng tulong sa Malabon Police Sub-Station-5 ang matanda kaya’t mabilis na rumesponde sina P/Msgt. Marvin Monzaga, P/SSgt. Joselito Inocencio at Patrolman John Cadric Goque kaya nahuli ang patakas sanang suspek.

Dinala sa Caloocan City Medical Center ang matanda para mabigyang lunas sa mga tinamong sugat sa ulo at katawan.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek habang pinag-iisipan pa umano ng ina kung sasampahan ng kaso ang anak.

IBA PANG BALITA

Romualdez pinagbawalang lumipad patungong Singapore

HINDI pinahintulutan ng Office of the Ombudsman si dating House Speaker Martin Romualdez na pumuntang Singapore para sana umano sa isang medical chek-up. Ito ang...

Distribusyon ng ayuda sa mga drayber ng TNVS iniwasan ni PBBM?

HINDI na tumuloy si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para saksihan sana ang distribusyon ng P5,000 pinansiyal na ayuda para sa mga drayber ng Transportation...

Senado, naghahanda na sa impeachment laban kay VP Sara

Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III na pinulong niya ang mga kasapi ng Senate Majority Bloc ukol sa pagpapa-impeach ngayon kay Vice President...

Modernong correctional facility sa Nueva Ecija, sinimulan na

Pinangunahan ng Bureau of Corrections o BuCor ang groundbreaking ng bagong correctional facility sa Palayan City, Nueva Ecija. Nagkakahalaga ito ng 470 milyong piso at...

Legalidad ng muling pagpapaliban ng BSKE, pinapabusisi ni Sen. JV Ejercito

Iginiit ni Senador Joseph Victor Ejercito na nararapat na pag aralan muna ng kongreso kung legal ang panukala na muling ipagpaliban ang Barangay at...