33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Bebot huli sa vote buying sa Navotas

Nalambat ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) at Commission on Elections (COMELEC) Navotas City, ang isang babaeng nahuling nag-iikot sa bawat barangay at bitbit ang 1,213 sobre na may lamang tig- P300.00 bawat isa na may kabuuang P363,900.00 sa loob ng isang malaking bag, Miyerkules ng hapon sa M. Naval St., Brgy. San Jose, Navotas City.

Ayon kay NPD Director PBGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng tip kaugnay sa may nagaganap na vote buying sa Navotas kaya agad na binuo ang team, kasama ang COMELEC kaya manmanan at hulihin ang suspek na nakilalang si

Alyas Maribel , residente ng Brgy. Tugatog, Malabon City.

Ayon sa report, nagsagawa ng follow up operation ang NPD sa pangunguna ni PCol. Mario Cortes, OIC, NCPS, kasama sina PMaj. Albert Juanillo, PMaj Danilo Esguerra, Jr. at PCpt. Gregorio Cueto at taga-Comelec na sina Atty. Gregorio Bonifacio at Federico Torres, at nagtungo sa Mega Sardines Old Warehouse sa M. Naval St., Brgy. San Jose, Navotas City bandang 11:00 Miyerkules ng umaga. 

BASAHIN  Wanted sa kasong sexual abuse, arestado sa Caloocan City

Nasaksihan ng mga nagrespondeng otoridad ang pagtitipon ng nasa mahigit 200 katao na sinasabing magiging “Watcher’s Training” ang kanilang pagtitipon sa nasabing lugar subalit nakita naman ang mga sobre sa mesa na naglalaman ng P300.00 na kung saan ay pinipilahan si Maribel.

Pinatunayan naman ni Comelec Navotas City Election Officer Atty  Gregorio Bonifacio ang insidente dahil sa nakitang mga sobre na naglalaman ng pera na patunay na paglabag sa Omnibus Election Code. 

Nabatid na ang sobre ay ipapamigay sa mga botante ng Brgy. Longos, Malabon City, na umano’y kasama bilang  Watcher’s Training. 

Nakumpiska kay Maribel ang isang Prada Bag na naglalaman ng 1,213 sobre na may lamang P300.00 na umaabot sa P363,900.00 lahat at isang Acer Laptop na may pangalang “MARIBEL” at mga papel na naglalaman ng pangalan ng registered voters, contact numbers, precinct numbers, at photocopies ng assorted IDs.

BASAHIN  2 pulis dinampot ng kabaro sa buy bust

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Navotas City Police Station habang inihahanda ang kaso sa  City Prosecutor’s Office sa kasong paglabag sa COMELEC Resolution 10946, Section 261.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA