- Advertisement -

Revilla, nagbabala sa SIM-for-sale modus

- Advertisement -
Advertisement

BINABALAAN ni Senador Ramon Revilla Jr., noong Miyerkules, ang publiko laban sa pagbebenta
ng kanilang rehistradong SIM cards.


Ito ay nang natapos ang deadline ng SIM card registration noong Hulyo 25. Sinabi ni Revilla na
malamang gamitin ito sa scam at iba pang krimen para hindi ma-trace ang bumili nito.


Ayon sa reports, bukod sa pagbili ng rehistradong SIM cards, ang mga online scammer ay nag-
aalok ng malaking halaga para mairehistro ang bagong-biling SIM card sa pangalan ng
mabibiktima. Ito ay malaking panganib at pananagutan sa mga masasangkot dito.


“Hindi natin dapat ipinagbibili ang ating SIM cards dahil kapag ginamit sa krimen ang SIM na
nakarehistro sa isang indibidwal ay tiyak na mahaharap sa kaso kung sino ang nakapangalan sa
SIM. Hindi naman puwedeng ikatuwiran na naipagbili na ang SIM kaya wala na silang kinalaman,”
ayon sa senador.

BASAHIN  1,200 Bagong trabaho sa Subic
Advertisement


Naiulat na ang mga rehistradong SIM cards ay ibinebenta ng P500 isa, 10 ulit na mas mahal kaysa regular na presyo. Ang mga indibidwal na nabibiktima ay yung mga walang alam sa proseso ng pagre-rehistro, kaya ang masasamang tao ang nagrerehistro para sa kanila.


“Tandaan natin na nakapaloob sa batas na kung ang rehistradong SIM card ay magamit sa krimen, parehong ang nagbenta at ang bumili ang mananagot. Kaya huwag na huwag nating ipagbibili ang ating registered SIM cards,” paalala ni Revilla.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

MMDA revives iconic ‘Love Bus’ as zero-emission fleet alongside new interactive gallery

FIRST Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos joined Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes and key Metro Manila officials on Wednesday to inaugurate...

Bawal: Pakikipag-selfie ng mga pulis sa NBA stars

“Trabaho lang, walang selfie.” Ito marahil ang iniutos ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mahigpitnitong pagbabawal na makipag-selfie kasama ang mga manlalaro ng...

Philippines targets new growth frontier with AstraZeneca partnership

THE Philippines is setting its sights on becoming Asia’s premier clinical research and life sciences hub, driven by an expanded strategic partnership between the...

Alternative treatment sa cancer—Robin

“BUKSAN ang kaisipan at maghanap ng alternatibong paggamot sa cancer.” Ito ang panawagan ni Sen. Robinhood "Robin" Padilla nitong Huwebes sa mga duktor, alang-alang sa...

4,600 atletang Bangsamoro makikipagtagisan sa BARMMAA Meet 2026

PARANG, Maguindanao del Norte—Makikipagtagisan ng husay at galing ang 4,600 atletang mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim...

Coach Chot, mas nababagay daw sa museum

MUSEUM curator!Ito raw ang mas nababagay kay Gilas Basketball Coach Chot Reyes dahil sa masyadoraw “antiquated” ang coaching style nito. Kamakailan, sinabi ng isang Gilas...
- Advertisement -