3 Foreign nationals dinampot sa kasong kidnapping

Share

Dinampot ng mga tauhan ng Pasay Police Sub-station 1 ang tatlong foreign nationals, kabilang ang  dalawang Vietnamese at isang Chinese matapos ang ginawang pag-kidnap sa isang Vietnamese national na babae, kamakalawa sa Roxas Boulevard, Pasay City.

Nakilala ang mga suspek na sina Mai Ngoc Huyen, 24-anyos, female Vietnamese National, Tran Duy Anh ,26-anyos, male Vietnamese national at Wang Jie, 27-anyos, male Chinese National.

Nakaligtas naman kang biktima na si Nguyen Thi Ly, 29-anyos nang salakayin ng pulisya ang condo unit ng mga suspek 

Ang pag-aresto sa mga suspek ay nag-ugat matapos magreklamo sa SubStation 1 ang boyfriend ng biktima na si Nicky Wang,  Singaporean national dahil sa matapos nilang magbigay ng ransom sa mga suspek na nagkakahalaga sa P900,000 ay hindi pa rin pinakakawalan ang girlfriend nito na dinukot noon pang September 24 .

BASAHIN  Grade 5 pupil sa Antipolo dedo matapos sampalin ng guro

Agad na nagsagawa ng follow up operation ang Pasay Police bandang  3:00 Huwebes ng madaling araw sa Unit 22F, Gardens by the Bay, Roxas Boulevard at kasama ang Security Guard ng condo na si Michael Maglasang at pinasok ang unit at doon na nailigtas ang biktima at naaresto ang mga suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasay detention cell at sinampahan ng kasong kidnapping.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Barko, eroplano ng smugglers, sasamsamin – Villar

SINABI ni Senador Cynthia Villar na magkakaroon na nang kapangyarihan ang gobyerno nasamsamin ang eroplano, barko, sasakyang panlupa, atbp., sakaling ang mga ito ay...