- Advertisement -

3 tulak nasakote sa P1-M halaga ng damo

- Advertisement -
Advertisement

Nasakote ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD)-Novaliches Police Station (PS 4) ang tatlong tulak matapos mahulihan ng bulto-bultong mga pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,080,000.00 sa ikinasang buy-bust operation, kamakalawa ng madaling araw sa Novaliches, Quezon City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni QCPD Director, PBGEN Redrico Maranan mula sa Novaliches Police Station 4, nahuli ang tatlong suspek na sina Elton John Pangilinan, 24-anyos, Christian Paul San Jose, 27-anyos at Rhay Van Lumanog, 22-anyos, pawang mga residente ng Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Ayon kay PLtCol. Jerry Castillo, hepe ng PS 4, nakatanggap sila ng report mula sa kanilang confidential informant kaugnay sa illegal na aktibidad ng mga suspek sa Brgy. Bagbag, Novaliches, kaya agad na isinagawa ang buy-bust operation katuwang ang PDEA-NCR bandang  3:30 ng madaling araw sa loob ng Masterkee Carwash na natagpuan sa kahabaan ng Quirino Highway., Brgy. Bagbag, Novaliches, matapos ang transaksyon ng isang pulis na umaktong buyer sa pagbili ng  marijuana sa isa sa mga suspek.

BASAHIN  1 huli sa baril sa 1-araw ng Election Gun Ban
Advertisement

Nang iabot na ang P35,000.00 halaga ng bibilhing marijuana ay agad nang nagbigay ng signal ang pulis  at nalambat ang tatlong suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang siyam na kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,080,00.00, isang cling wrap plastic bag,eco bag,  cellphone, isang weighing scale, at buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at sinampahan ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, pinarangalan ni  PBGen. Maranan ang PS 4 sa pamumuno ni PLtCol. Castillo sa patuloy na pagsugpo laban sa illegal na droga na nagresulta ng pagkakahuli sa malaking suspek at halaga ng droga.

 “This accomplishment is an indication of our commitment in fighting one of today’s most serious social ills. Ipagpatuloy lang natin ang masigasig na pagpapatupad laban sa kriminalidad lalo na ang illegal na droga upang maprotektahan ang mamamayan dito sa ating Lungsod,” ayon kay  PBGen. Maranan.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

Philippine Red Cross serves hot meals to Taal evacuees in Agoncillo, Batangas

FOLLOWING the recent phreatomagmatic eruption of Taal Volcano, the Philippine Red Cross (PRC) Batangas Chapter has expanded its emergency response efforts, moving swiftly from...

Health authorities, families champion nutrition through collaborative mural and fair

IN response to the growing burden of preventable diseases linked to poor diet, health authorities, advocacy groups, and local families gathered at the Quezon...

3 sa pinakamatandang empleyado sa mundo

Irving Kahn (1905 – 2015) Si Irving Kahn ang pinkamatandang empleyado sa buong mundo. Isa siyang investment banker sa Amerika at nag-retire sa edad na...

DBM releases ₱27.4-B medical aid for indigent, financially incapacitated Filipinos nationwide

THE Department of Budget and Management (DBM) has authorized the release of ₱27.410 billion to support indigent and financially incapacitated Filipinos facing healthcare costs,...

Kapitan na namimigay ng pera bida sa masa

SINO kaya itong kapitan ng Pasig na ayon sa mga ka-chizmax natin ay ugali na nitong mamigay ng pera hindi lang sa mga ka-barangay...

Tarlac weaves its way onto national textile map, empowering 900 local artisans

NEARLY 900 Tarlaqueño artisans are set to benefit from expanded economic opportunities as Tarlac officially joined the Philippine Textile Map during a ceremonial dressing...
- Advertisement -