- Advertisement -

200 katao nakatanggap ng libreng medical assistance mula kay Pasig VM Dodot Jaworski, Robinsons Land

- Advertisement -
Advertisement

MAY kabuuang 200 Pasigueño ang nakatanggap ng libreng medical assistance mula kay Pasig City Vice Mayor Dodot Jaworski at Robinsons Land bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility program.

Isinagawa ang nasabing medical mission sa Tambakan area ng Barangay San Miguel ng nasabing lungsod kung saan itinuturing na dito nakatira ang marami sa mga mahihirap na pamilya sa Pasig.

Kasama sa isinagawa sa nasabing medical mission ng “RLove Program” ay libreng check-up sa tatlumpong mga kalalakihan para sa libreng prostate examination.

Ang naturang mga kalalakihan ay nakatanggap din ng libreng bitamina at ₱500.00 halaga ng gift cheque upang magamit nila sa pagbili ng kinakailangan nilang gamot sa SouthStar Drug store na affiliate ng Robinsons Retails Holdings, Incorporated.

BASAHIN  Masisilungan ng riders, hiniling sa gas stations, delivery companies - MMDA
Advertisement

“Walang-tigil tayong nagtatrabaho para bumuo ng isang mas inklusibong lungsod, kung saan ang bawat nangangailangan ay may matatakbuhan, at ang mga may sakit—lalo na ang mga mahihirap—ay may gobyernong malalapitan. Ito ang dala nating pagbabago sa Pasig,” ang pahayag  ni Vice Mayor Jaworski.

Ang “RLove Program” ng Robinsons Land Incorporated ay patuloy na nagsasagawa ng kanilang adbokasiya, boluntarismo at katuwang ng iba’t ibang sektor upang mapasulong pa ang buhay sa komunidad.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business

PH exports surge 35.6% in September, hit historic USD 9.87B high

PHILIPPINE merchandise exports shattered records in September 2026, surging by 35.6% to reach an unprecedented USD 9.87 billion. According to preliminary data from the Philippine...
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

Asian gold medalist kinilala sa San Juan

Bilang pagkilala sa kanyang galing sa Jiu-Jitsu, pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagbibigay plaque at City Resolution na P100,000 cash...

Human chain delivers lifeline water across damaged Zambales crossing

DISRUPTED infrastructure and damaged water sources failed to stop relief operations in Barangay Sta. Fe, San Marcelino town as humanitarian workers and local residents...

Department head uminit ang ulo dahil nasa unahan ang mga regalo ng makakalaban ng kaniyang amo?

May naulinigan tayong isa na namang chizmax mga ka-Brabo. Ayon sa isa nating Chizmaker, nainis daw itong isang Department Head (DH) nang maimbitahan sa isang...

Viral ‘Cutie Bombelo’ mini firetrucks prove practical in tight alleys despite online pricing rumors

A compact three-wheeled firefighting vehicle affectionately dubbed “Cutie Bombelo” has gone viral across social media after footage demonstrated its capability to deliver and spray...

Tarlac weaves its way onto national textile map, empowering 900 local artisans

NEARLY 900 Tarlaqueño artisans are set to benefit from expanded economic opportunities as Tarlac officially joined the Philippine Textile Map during a ceremonial dressing...
- Advertisement -