- Advertisement -

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

- Advertisement -
Advertisement

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga biktima.

Ayon kay Ryan Tanaman, pangulo ng Mutya ng Pasig Movement, nakikiisa sila sa malungkot na nararanasan ng mga biktima ng bullying at ng kanilang mga pamilya.

Ito’y matapos ibasura ng Manila Prosecutor’s Office ang reklamo ng mag-asawang artista at Quezon City Councilor Alfred Vargas at misis nitong si Yasmine Espiritu kaugnay sa kasong bullying sa kanilang anak.

Matatandaan na nagsampa ng reklamo ang mag-asawang Vargas nitong Abril 13, 2026, laban sa artistang si Rob Sy at asawa nito, kaugnay sa pambu-bully umano ng anak ni Sy sa anak ni Vargas habang nasa swimming lesson ang mga ito.

BASAHIN  Kampanya ng paanyaya sa 2 espesyal na pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova, umarangkada na
Advertisement

Binigyang-diin pa ni Tanaman na bagama’t kailangang sundin at igalang ang batas, mahalaga aniyang isaalang-alang kung paano ito ipinatutupad.

Dapat din aniyang tiyakin ng mga ahensyang nagpapatupad ng anti-bullying program na mahalaga ang hustisya, proteksyon at malasakit sa mga apektadong indibiduwal at pamilya.

Giit pa ni Tanaman, malaki rin aniya ang papel ng komunidad, mga lider ng edukasyon sa pagpapalakas ng mga programa kontra pambu-bully upang matiyak na may maayos at ligtas na kapaligiran ang mga kabataan.

Ang Mutya ng Pasig Movement ay isang advocacy group na nangunguna sa kampanya laban sa bullying sa bansa at nagsusulong sa karapatan ng mga bata.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

PCSO head Robles receives new PCGA rank

PHILIPPINE Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades A. Robles has been elevated to the rank of Rear Admiral in the Philippine Coast Guard...

Paglikha ng makabagong gamot, napapanahon

ISANG panukalang batas na naglalayong palawakin pa ang pagtuklas at pagsulong ng mga makabagong gamot ang inihain sa Kamara. Inaprubahan nitong Peb. 28 sa committee...

TESDA brings together top regional qualifiers for WorldSkills Philippines Clark 2026

The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) is gearing up to showcase the nation's premier vocational talent as the WorldSkills Philippines Clark 2026...

Alex Eala battles past Alycia Parks to advance at National Bank Open in Toronto

FRESH off her historic breakthrough title at the Mubadala DC Open, Philippine tennis star Alex Eala kept her winning momentum alive with a gritty...

Pasig interfaith forum unites Christian leaders in historic Bible exchange partnership

BRIDGING theological divides through open dialogue, over 350 Christian leaders and congregants gathered at the Pamantasan ng Lungsod ng Pasig Auditorium for an interdenominational...

Nieto: Kaso ng pertussis sa Cainta kontrolado

INIHAYAG ni Cainta Mayor Ellen Nieto na bagama’t nakakabahala ang pagdami ng mga kaso ng pertussis sa maraming lugar sa bansa, ipinagpasalamat niya na...
- Advertisement -