- Advertisement -

MASESELANG LAMAN NG VIDEO IPAPAKALAT

Nursing student arestado sa robbery extortion

- Advertisement -
Advertisement

ARESTADO ang isang nursing student sa isinagawang entrapment operation ng Pasig City Police Station sa kasong robbery extortion, madaling araw ng Mayo 23, 2026 sa Ortigas Center, Pasig City.

Ayon sa police report, kinilala ang suspek na si “Jessia,” 26, isang nursing student at residente ng Quezon City samantalang ang biktima ay si “Wilfred,” 36-anyos na empleyado ng bangko.

Batay sa ulat, bandang alas-2:30 ng madaling araw nang ikasa ng mga tauhan ng Pasig CPS ang entrapment operation sa Cotti Coffee sa Ortigas Centre, Brgy. San Antonio, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Bago nito, nagtungo muna ang biktima sa Ortigas Police Sub-Station upang magsumbong hinggil sa umano’y patuloy na pangingikil sa kanya ng suspek simula pa noong Marso 9, 2026 na umabot na sa humigit-kumulang ₱

Advertisement
600,000.

Sinabi ni “Wilfred” na nagbanta umano ni “Jessica” na ibubunyag nito sa kaniyang pamilya ang mga maseselan nilang video kaugnay sa kanilang naging imoral na relasyon noong Disyembre 2024 at Enero 2025 at mas matindi pa ay sa kaniyang pinagtatrabahuang bangko.

BASAHIN  Holdaper na armado ng BBQ stick arestado

Dahil sa walang tigil na pangingikil, napuno na ang biktima nang muli itong humiling ng halagang ₱6,000 nitong Mayo 22 para umano sa pang-enroll ng suspek.

Sa nasabing entrapment operation, matagumpay na naaresto ang suspek at narekober ang marked money na binubuo ng isang tunay na ₱1,000 bill at limang piraso ng boodle money.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa custodial facility ng Pasig CPS at inihahanda na ang kaukulang kasong kriminal sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

Ano kaya ang hitsura ni Jesus?

Walang nakakaalam kung ano ang hitsura ni Jesus dahil walang sinuman ang may litrato niya. Sa loob ng daan-daang taon inilarawan si Jesus sa iba-t...

BIR broadens VAT-exempt medicine list to lower healthcare costs for Filipinos

IN a bid to reduce out-of-pocket medical expenses, the Bureau of Internal Revenue (BIR) has expanded the list of Value-Added Tax (VAT)-exempt medicines to...

Marcos highlights expanded zero-balance hospital billing program in birthday address

PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. highlighted the government's expanded zero-balance hospital billing program and wide-ranging public assistance initiatives distributed nationwide as part of activities...

San Juan City distributes free rubber shoes and PE uniforms to 13,000 students

MAYOR Francis Zamora spearheaded the distribution of free customized rubber shoes and physical education (PE) uniforms to 13,000 K–12 public school students on Monday,...

‘Kaginhawahan at pag-asa’ maaari nang basahin online sa “wikang kinalakhan” mo

BAKA magulat ka at mamangha na puwede mo nang basahin online ang “wika ng iyong puso” o lenguwahe na kinalakhan mo lalo na kapag...

Skywalker Samboy Lim, punanaw na

Nagluluksa ngayon ang mundo ng basketball sa Pilipinas dahil sa maagang pagnanaw ni Samboy Lim o “The...
- Advertisement -