- Advertisement -

Alfred Vargas, misis kinasuhan mga magulang ng batang nam-bully sa anak

- Advertisement -
Advertisement

NAGSAMPA ng kasong kriminal sa Office of the City Prosecutor sa Maynila sina Quezon City Councilor Alfred Vargas at ang misis nito na si Yasmine Espiritu laban sa mga magulang ng isang menor-de-edad na umano’y paulit-ulit na nanakit at nam-bully sa kanilang anak habang nasa swimming lesson.

Ayon sa reklamo, kinasuhan ang mga respondents sa paglabag sa Section 10(a) ng Republic Act No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Batay sa salaysay ng mag-asawa, ilang ulit umanong itinulak at isinubsob sa tubig ang kanilang anak ng naturang bata habang nasa swimming sessions, sa kabila ng paulit-ulit na pag-uusap at paghingi ng tulong sa mga magulang nito.

Umabot umano sa matinding insidente ang sitwasyon habang nasa isang swimming competition sa Rizal Memorial Sports Complex nitong nakaraang Pebrero, kung saan muling itinulak ang bata sa warm-up area at muntik nang masaktan bago ang kompetisyon.

Ayon pa kay Vargas, may mga pagkakataon ding tinawanan lamang ng magulang ng bata ang kanilang reklamo at hindi umano ito tinugunan nang maayos.

BASAHIN  Listahan ng disqualified candidates, ilalabas na - COMELEC
Advertisement

Giit ng konsehal, hindi na raw ito simpleng away ng mga bata kundi isang seryosong kaso ng bullying na may epekto sa emosyonal at sikolohikal na kalagayan ng kanilang anak.

“Bilang ama, hindi mo kayang tiisin na makita ang anak mong inaapi,” pahayag ni Vargas.

Sinabi pa ng konsehal na pinili nilang magsampa ng kaso hindi para sa paghihiganti kundi upang ipaglaban ang karapatan ng kanilang anak at ng ibang batang nakararanas ng parehong sitwasyon.

Umaasa ang mag-asawang Vargas na magsilbi itong paalala sa lahat ng magulang na may pananagutan sa kilos ng kanilang mga anak at upang hikayatin ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas kaugnay sa isyu ng bullying.

“Bullying is not normal. This is where it stops” giit pa ni Vargas. (AR BERNARDO)

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

San Juan City unveils ₱39.5M eco-infrastructure projects, including Addition Hills bird sanctuary

THE San Juan City government officially inaugurated three green infrastructure projects valued at ₱39.5 million on Wednesday, Sept. 2, aimed at bolstering urban sustainability,...

Nieto: Kaso ng pertussis sa Cainta kontrolado

INIHAYAG ni Cainta Mayor Ellen Nieto na bagama’t nakakabahala ang pagdami ng mga kaso ng pertussis sa maraming lugar sa bansa, ipinagpasalamat niya na...

19 Disseminators sinanay ng PH Red Cross

LABING SIYAM na mga indibiduwal ang nakatanggap ng pagsasanay kung paano pasusulungin pa ang makataong pakikipag-ugnayan sa komunidad sa Disseminators Training na ginanap sa...

House eyes continued funding for student mental health, school safety in 2027 budget

THE House of Representatives aims to sustain appropriations for student mental health and child protection in the proposed 2027 national budget following a fatal...

Private sector key to solving PH flood crisis, says ex-PACC chief Belgica

HANDING over flood control projects to the private sector is the only effective way to address the Philippines’ chronic flooding crisis and curb rampant...

Tuspirina outbreak sa QC idineklara

IDINEKLARA ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na isa ng outbreak sa lungsod ang pertussis o “whooping cough” at kilala sa Tagalog na “ubong...
- Advertisement -