- Advertisement -

2 notoryus na tulak, kasabwat timbog sa ₱144K drug-bust ng EPD

- Advertisement -
Advertisement

TIMBOG ang dalawang suspek na itinuturing na notoryus na tulak sa National Capital Region (NCR) sa isinagawang drug buy-bust na ikinasa ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Eastern Police District (EPD) bandang alas-8:40 ng gabi, Setyembre 1, 2025 sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Kinilala ni PBGen. Aden Lagradante, district director ng EPD, ang mga suspek na sina alyas “Arwin,” 43, No. 5 at alyas “Julio,” 34, No. 9 sa regional high-value individual (HVI) sa drug list; kasama ang isa pang kasabwat na si alyas “Karlo,” 37.

Naaresto ang mga suspek matapos makakuha ng verified intelligence report at koordinasyon sa iba pang mga sangay ng pulisya.

Nasamsam sa mga suspek ang 4 na heat-sealed plastic sachet na pinaghihinalaang shabu at tumitimbang ng humigit kumulang 21.30 gramo na may street value na aabot sa ₱144,800.

Narekober din mula sa kanila ang 7 tig-₱

Advertisement
1,000 buy-must money sa nasabing operasyon kung saan isinagawa ang imbentaryo sa harap ng opisyal ng barangay at miyembro ng media bilang bahagi ng kaayusan ayon sa batas.

BASAHIN  Ex-cop sa viral road rage, sinibak na

Dinala ang tatlo sa DDEU Office para sa kaukulang dokumentasyon at sa PNP Forensic Unit naman ang mga narekober na ebidensya at inilipat sila sa EPD custodial facility matapos ang medical examination.

Kakasuhan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Pasig City Prosecutor’s Office.

“Malaking dagok ito laban sa mga drug personalities na nag-ooperate sa Metro East. Walang takot na pangako namin dito sa EPD na tiyakin sa publiko na ligtas sila. Ang mensahe namin ay malinaw—ang ilegal na droga ay bawal. Tutugisin namin kayo,” ang matapang na pahayg ni Lagradante.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

Viral ‘Cutie Bombelo’ mini firetrucks prove practical in tight alleys despite online pricing rumors

A compact three-wheeled firefighting vehicle affectionately dubbed “Cutie Bombelo” has gone viral across social media after footage demonstrated its capability to deliver and spray...

Department head, bilang na ang araw?

Totoo kaya ito? Isa umanong department head (DH) sa city hall ang nanganganib na masibak. Bilang na ang araw ika nga.Bakit kanyo? Hindi na daw...

San Juan City unveils ₱39.5M eco-infrastructure projects, including Addition Hills bird sanctuary

THE San Juan City government officially inaugurated three green infrastructure projects valued at ₱39.5 million on Wednesday, Sept. 2, aimed at bolstering urban sustainability,...

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

Philippine Red Cross mobilizes volunteers to aid families hit by Typhoon Maymay and Habagat

HUNDREDS of Philippine Red Cross (PRC) volunteers have stepped up to assemble critical relief packages for thousands of families impacted by widespread flooding and...

New framework empowers living treasures to pass down indigenous skills to the next generation

FILIPINO learners and indigenous communities are set to gain unprecedented opportunities to preserve and carry forward traditional knowledge following a landmark collaboration between the...
- Advertisement -