- Advertisement -

Pagpapatakbo ng flood control ipaubaya na sa LGU—Isko

- Advertisement -
Advertisement

NANANAWAGAN si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ilipat na sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatakbo at pagmamantini ng mga flood control system na nasa kanilang area of responsibility.

Reaksyon ito ng alkalde kaugnay sa kapalpakan di-umano ng pamahalaang nasyunal sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagkontrol ng baha na naranasan sa Greater Manila Area (GMA) nitong nakaraang linggo nang manalasa ang tatlong sunod-sunod na bagyo maliban pa sa habagat.

“Kung ibibigay sa mga alkalde ang awtoridad [na ito, alinman sa] aaksyon siya o mananagot [sakaling pumalpak] sa mga nasasakupan niya,” ang diwa ng pahayag ni Domagoso.

“Ipaubaya na ninyo ito sa amin—dahil kami ang araw-araw na humaharap sa tao. At kapag pumalpak kami, walang ibang sisisihin [ang aming mga nasasakupan] kundi kami,” dagdag pa ng punong lungsod.

BASAHIN  Palace assures strict oversight for ₱2.88-B evacuation center funds in 2027 budget
Advertisement

Isa sa ikinadidismaya ni Mayor Isko ay ang Sunog Apog pumping station sa Tondo na pinangangasiwaan ng DPWH kung saan hindi gumagana ang flood control system nito.

“Brand new ito pero hindi magamit. Bagung-bago pero hindi gumagana kaya hindi epektibo,” saad pa ng alkalde dahil sa mali ang pagkagawa kung kaya walang kapasidad na kontrolin ang tubig-baha.

“Kami ang accountable sa aming mga nasasakupan. Kung ipapaubaya nyo sa amin ang pagpapatakbo at pumalpak kami, kami ang tuwirang masisisi. Sa tatlong taon [naming termino], at pumalpak kami, tapos rin kami,” giit pa ng alkalde.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

District 1 konsehal ng Pasig nagpatayo ng bahay sa District 2?

Matagal na pala itong bulong-bulungan mga ka-Brabo na meron palang magandang lalaki na konsehal ng Pasig mula sa Distrito Uno ang nagpatayo ng bahay...

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

TESDA NCR brings thousands of job vacancies to metro job seekers; launches TESDA Skills Compass

THE Technical Education and Skills Development Authority – National Capital Region (TESDA NCR) gathered 1,071 job seekers and 54 participating companies for the World...

MMDA revives iconic ‘Love Bus’ as zero-emission fleet alongside new interactive gallery

FIRST Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos joined Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes and key Metro Manila officials on Wednesday to inaugurate...

Graduate researchers get more time to submit for prestigious KWF Academic Award

THE Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) has officially extended the submission deadline for the 2027 Gawad Julian Cruz Balmaseda to October 30, 2026, at...

San Juan City distributes free rubber shoes and PE uniforms to 13,000 students

MAYOR Francis Zamora spearheaded the distribution of free customized rubber shoes and physical education (PE) uniforms to 13,000 K–12 public school students on Monday,...
- Advertisement -