Agarang tulong sa 2 estudyante na biktima ng pananaksak sa Zamboanga City ikinasa ng DepEd

NAGLABAS ng opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa panibagong napaulat na insidente ng pananaksak sa Cabaluay National High School sa Zamboang City.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, pina-prioridad nila ngayon ang kapakanan, agarang tulong at paggaling ng dalawang nasugatang estudyante.

“Nakikipag-ugnayan ngayon ang DepEd Central Office sa ating Regional Office at Schools Division Office upang matiyak na mabigyan ng agarang tulong ang mga biktima at pamilya,” ang pahayag ni Angara.

“Habang patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon, sisiguraduhin natin na mailan ang kinakilangang proteksyon para sa mga bata, guidance services at psychological support sa mga mag-aaral at school personnel habang sinusunod ang tamang proseso,” dagdag pa ng Kalihim.

Inatasan din ng DepEd ang lahat ng eskuwelahan at mga field offices sa buong bansa na paigtingin ang pagpapatupad ng kaligtasan at proteksyon ng mga bata.

Sinabi pa ng Kagawaran na patibayin pa ang pakikipag-ugnayan sa mga magulang, lokal na pamahalaan at mga otoridad para mapangalagaan ang mga estudynte.

Idinagdag pa ni Angara na nananatiling nakatuon ang ahensya sa kaligtasan ng mga estudyante upang magkapag-aral sila sa isang supportive at violence-free environment.

IBA PANG BALITA

DTI-CARP caravan bags over ₱3M in sales, connecting rural producers to Metro Manila

A recent government-led trade caravan has successfully bridged the gap between rural agriculture and urban markets, generating over ₱3 million in revenue and securing...

BIR eases rules on nominee transfers of club shares, drops ruling requirement

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) has streamlined the tax process for corporate-owned country club and sports club memberships, removing a major administrative hurdle...

Bagong mga posisyon para sa mental health program ng DepEd aprub na sa CSC

INAPRUBAHAN na ng Civil Service Commission (CSC) ang bagong mga posisyon na nilikha sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12080, o ang Basic...

House committee prods CSC to fast-track hiring standards for school counselors

LAWMAKERS from the House Committee on Basic Education and Culture recently criticized delays within the Civil Service Commission (CSC), urging the agency to fast-track...

Watchdog warns 2027 budget may repeat past anomalies if systemic issues persist

BUDGET watchdog Social Watch Philippines (SWP) has warned that the proposed 2027 national budget could repeat the same problems seen in previous fiscal years...