- Advertisement -

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

- Advertisement -
Advertisement

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi nitong Mayo 25, 2026.

Ayon sa pulisya, nawalan umano ng preno ang truck na may kargang mga semento at dahil sa matarik pababa ang kalsada ay mabilis itong dumausdos at nasagi ang kaliwang bahagi ng dalawang magkasunod na Asian Utility Vehicle (AUV) na minamaneho ni alyas Michael at alyas Johnlen.

Nabundol din ng truck ang likurang bahagi ng isang Sport Utility Vehicle (SUV) na minamaneho ni alyas Christian at isang sedan na minamaneho ni alyas Erick bago masagi ang isang pampasaherong mini bus na minamaneho ni alyas Jake at nang dakong huli ay sa isa pang pampasaherong modern jeepney na minamaneho naman ni alyas June.

BASAHIN  Mister na gumahasa at nagpasak ng bote sa ari ng buntis na misis, arestado
Advertisement

Dahil sa pagkabundol sa SUV, nasagasaan nito ang isang motorsiklo na nasa unahan at naipit sa ilalim ang drayber na si alyas Marson na nagresulta sa pagkasawi nito.

Binundol naman ng sedan ang isang tricycle dahilan para mabangga naman ng tricycle na minamaneho ni alyas Joel ang isang van na minamaneho ni alyas Jerry at nagpang-abot sa pampasaherong mini bus.

Kaagad namang isinugod sa Ynares Hospital ang mga sugatan upang mabigyan ng paunang lunas.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng pinsala samantalang nakakulong pansamantala ang drayber ng truck na si alyas Joel at sasampahan ng kasong damage to property at multiple physical injury.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

Paglikha ng makabagong gamot, napapanahon

ISANG panukalang batas na naglalayong palawakin pa ang pagtuklas at pagsulong ng mga makabagong gamot ang inihain sa Kamara. Inaprubahan nitong Peb. 28 sa committee...

Marcos names Edwin Mercado as Health secretary, appoints Beverly Ho to lead PhilHealth

PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. has appointed Dr. Edwin Mercado as the new secretary of the Department of Health (DOH), replacing Dr. Jose "Brix"...

3 sa pinakamatandang empleyado sa mundo

Irving Kahn (1905 – 2015) Si Irving Kahn ang pinkamatandang empleyado sa buong mundo. Isa siyang investment banker sa Amerika at nag-retire sa edad na...

Coach Chot, mas nababagay daw sa museum

MUSEUM curator!Ito raw ang mas nababagay kay Gilas Basketball Coach Chot Reyes dahil sa masyadoraw “antiquated” ang coaching style nito. Kamakailan, sinabi ng isang Gilas...

Philippine Red Cross rolls out massive cash assistance for Sarangani earthquake survivors

THE Philippine Red Cross (PRC) has distributed a total of ₱7.43 million in Multipurpose Cash Grants to 743 families severely impacted by the recent...

PRC pledges ₱6.2M humanitarian relief and expert assistance to Nepal

THE Philippine Red Cross (PRC) has committed an initial US$100,000 (approximately ₱6.2 million) in humanitarian aid to assist communities severely impacted by widespread flooding...
- Advertisement -