- Advertisement -

MAGKAPATID NA VILLAR, PIA AT LEGARDA BUMALIGTAD

Alan Peter Cayetano inihalal na bagong pangulo ng Senado

- Advertisement -
Advertisement

NABULAGA hindi lamang ang mayorya kundi lalo na si Senador Tito Sotto nang mag-mosyon si Senador Alan Peter Cayetano na bakantehin ang lahat ng posisyon dahil may nakuha na itong sapat na bilang para palitan siya bilang Pangulo ng Senado.

Kaagad na nag-mosyon si Senadora Imee Marcos at iminungkahi sa Cayetano na bagong pangulo ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Dahil walang tumutol, agad na nagsagawa ng botohan at binasa ni Sotto ang resulta: 13 pabor kay Cayetano, 9 sa kaniya at 2 ang-abstain.

Pagkatapos ng suspensyon ng sesyon, nag-mosyon si Senador Panfilo Lacson at iminungkahi bilang kandidato sa pagka-pangulo si Sotto at pina-bilang din agad ni Senador Jinggoy Estrada na tumayo bilang pansamantalang presiding officer.

Ang bomoto kay Cayetano ay sina: Escudero, Marcos, Marcoleta, Villanueva, Go, Padilla, Estrada, kapatid nitong si Pia, Legarda, magkapatid na Mark at Camille Villar, Dela Rosa at Sotto.

Ang bomoto naman kay Sotto ay sina: Lacson, Hontiveros, Pangilinan, Aquino, magkapatid na Tulfo, Gatchalian, Lapid at Cayetano.

BASAHIN  Menor-de-edad na wanted sa panghahalay sa Pasig tiklo
Advertisement

Tradisyon na sa botohan na iboboto ng kandidato ang kaniyang katunggali tulad ni Cayetano na bomoto kay Sotto at si Sotto naman ay ibinoto si Cayetano.

Si Senador Migz Zubiri, na dating senate president at pinalitan ni Esudero bago si Sotto ay nag-abstain kasama si Senador JV Ejercito.

Maliban sa biglang pagdalo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa sesyon matapos ang anim na buwang pagliban, hindi rin inasahan ng mayorya na babaligtad ang magkapatid na Mark at Camille Villar.

May ugong-ugong na noong nakaraang linggo na si Senadora Loren Legarda ang magiging susunod na presidente ng senado ngunit bumaligtad nga ito at ngayon siya na ang bagong Pro Tempore kapalit ni Lacson.

Hindi na rin ikinagulat ng marami na anumang oras ay kakampihan ni Senadora Pia Cayetano ang kaniyang kapatid bilang pampuno kung sakali na isang bilang na lang ang kailangan dahil nasa mayorya ito.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

‘Kaginhawahan at pag-asa’ maaari nang basahin online sa “wikang kinalakhan” mo

BAKA magulat ka at mamangha na puwede mo nang basahin online ang “wika ng iyong puso” o lenguwahe na kinalakhan mo lalo na kapag...

BABALA: Viral “sex scandal” video ng isang “atleta,” phishing scam

VIRAL ngayon sa social media ang pangalang Zyan Cabrera o mas kilala bilang Jerriel “Cry4zee” Cryazee matapos gamitin ang mga larawan at video nila...

Tuspirina outbreak sa QC idineklara

IDINEKLARA ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na isa ng outbreak sa lungsod ang pertussis o “whooping cough” at kilala sa Tagalog na “ubong...

TESDA reaffirms TVET commitment following PBBM’s SONA highlights

THE Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) has reaffirmed its commitment to advancing an accessible, future-ready skills training system following President Ferdinand "Bongbong"...

Benguet strengthens fight against STIs and HIV with new provincial ordinance

THE Provincial Government of Benguet has taken a significant step forward in combating sexually transmitted infections (STIs), HIV, and AIDS following a policy dissemination...

Private sector key to solving PH flood crisis, says ex-PACC chief Belgica

HANDING over flood control projects to the private sector is the only effective way to address the Philippines’ chronic flooding crisis and curb rampant...
- Advertisement -