NITONG nakaraang buwan ng Marso 2026, ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho ay nasa 2.58 milyon, mas mababa sa 2.66 milyon noong Pebrero, 2026.
Nangangahulugan ito na mas mataas ng 645,000 mula 1.93 milyon noong nakaraang taon ngunit mas mababa ng 84,000 ang nai-rekord nitong Pebrero, ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules.
Ito ang sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, na resulta ng pinakahuling Labor Force Survey (LFS) ng ahensya.
Ibig sabihin, dagdag pa ni Mapa, na 50 sa 1,000 indibidwal ang walang trabaho o hanapbuhay sa nabanggit na panahon.
Samantala, bumagsak sa 49.07 milyon ang may trabaho mula 49.43 milyon nitong nakaraang mga buwan.
