₱1-M halaga ng shabu nasamsam sa 4 HVIs sa Rizal

Share

APAT katao ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng San Mateo Municipal Police Station (San Mateo MPS) sa Brgy. Guitnang Bayan 1, Abril 29, 2026 at nasamsam mula sa kanila ang higit 1 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu. 

Kinilala ni PCol. Eleazar Barber Jr., provincial director ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) ang mga suspek na sina alyas Evelyn, 51; alyas Michael, 50; alyas Eryll, 26 at alyas Even, 22 na itinuturing na mga High Value Individuals (HVIs).

Sa pakikipagtulungan ng San Mateo MPS sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nagresulta ang nasabing operasyon sa pagkaaresto at nasamsam sa apat na mga target ang 150.58 gramo ng shabu na may street value na 1,023,944.

BASAHIN  6 magkakasabwat sa droga, nalambat sa Cainta

Pansamantalang nakakulong ang mga suspek sa custodial facility ng San Mateo MPS at inihahanda na ang pagsasampa ng kasong RA 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Art of 2002.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Bilang ng jobless, bumulusok ngayong Q3

Bumaba sa 7.9 milyong Pilipino ang nagsabing wala silang trabaho sa ikatlong kwarter ng 2023, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS). Ito ang...