NAKAALRMA SA AMLC

Higit ₱6-B transaksyon ni VP Sara, asawa kaduda-duda

SA PAGPAPATULOY na pagdinig ng House Committee on Justice ngayong araw ng Miyerkules, sinabi ng isang opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nai-flagged nila ang mga bank accounts ni Vice President Sarah Duterte at asawa nitong si Manases Carpio dahil sa mga kaduda-dudang mga aktibidad.

Ayon kay AMLC Executive Director Ronel Buenaventura, ang nasabing transaksyon ay mula sa taong 2006 hanggang 2025 na may kabuuang halaga na 6.77 bilyon.

“Opo, mayroong kaduda-dudang mga transaksyon at ang mga transakyong ito ay makikita sa aming sistema, database at record,” ang sagot ni Buenaventura sa isang clarificatory question ng isang mambabatas.

Sa isang summary report, sinabi ng AMLC na sa 131 transaksyon ng pangalawang pangulo, 17 ang kaduda-duda at sa 317 transaksyon naman ng kaniyang asawa, 16 dito ang kaduda-duda.

3.77 bilyon ang konektado kay Duterte at 2.99 bilyon naman kay Carpio kung kaya umabot sa 6.77 bilyon ang na-flagged na halaga.

Pahayag ni Manila Representative Joel Chua, miyembro ng nasabing komite, ang nasabing mga transaksyon aniya ay hindi nakalagay sa Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALNs) ng pangalawang pangulo.

Sinabi naman ni Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon na kung ikukumpara aniya ang mga transaksyon, makikitang may malaking pagkakaiba sa kaniyang financial activity at sa naiulat na mga asset.

Idinagdag pa ni Buenaventura na isa umano sa naging kaduda-duda ay ang pagdeposito sa bank account ni Duterte ng 500,000 sa isang araw kaya awtomatiko na ito sa bangko na kailangang iulat sa AMLC.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...