Home News Kongreso Dean ng San Sebastian College of Law umalma sa akusasyon ni Madriaga...

Dean ng San Sebastian College of Law umalma sa akusasyon ni Madriaga laban kay VP Sara

0
Si Atty. Ted Pastrana, ang Dean ng College of Law ng San Sebastian College (Contributed photo)

UMALMA si Atty. Ted Pastrana, ang Dean ng College of Law ng San Sebastian College kaugnay sa mga sinabi ni Ramil Madriaga sa ginawang pagdinig ng Committee on Justice ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Pastrana, tinanggap nila si Vice President Sarah Duterte at nakapasa ito sa bar examination hindi dahil anak siya ng isang pulitiko.

“Lahat naman ng college of law natatawa siguro sa sinabi ni Mr. Madriaga dahil alam na alam ng mga estudyante [at] ng mga propesor na walang bearing ang katatayuan mo sa buhay [sa oras na pumasok ka sa isang law school],” ang pahayag ni Pastrana sa isang panayam sa DZRH.

Dagdag pa ni Pastrana: “Alam mo naman sa college of law, pagalingan lamang ‘yan e, talino ang pinag-uusapan diyan. So hindi maaari na influence-spending ka lamang diyan.”

Sinabi pa ng abogado na marami din silang mga estudyante na anak ng mga pulitiko at prominente at sa oras aniya na pumasok sila sa college of law, mga ordinaryong estudyante lang din sila tulad—rin ng iba pa.

Nakakainsulto umano ang gayong akusasyon, na kaya lang sila tumatanggap ng mga estudyante dahil sa koneksyon at apilyedo. Imposible umano ito.

Matatandaan na noong Abril 14, inamin ni Madriaga na dati umano siyang bagman ni VP Sara kaya alam niya na hindi umano mahusay na estudyante ang bise-presidente noong ito ay nag-aaral pa.

Exit mobile version