Home News Kongreso Ano ba talaga Ate VP Duterte haharap ka ba o hindi?–Cong. Ortega

Ano ba talaga Ate VP Duterte haharap ka ba o hindi?–Cong. Ortega

0

Hindi dapat gumamit ng istilong teknikalidad si Vice President Sara Duterte upang makaiwas sa isyu ng impeachment dahil ang nais ng publiko ay harapin niya ang kaso na dinidinig ng House Committee on Justice, ayon kay Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union.

Mas magandang isantabi ng kampo ng Bise Presidente ang pagharang sa pagdinig sa pamamagitan ng petisyon sa Korte Suprema dahil ang katotohanan ay dapat na masubukan sa pagdinig at hindi ang pag-iwas dito.

Si Ortega ay isa sa mga nag-endorso ng iakaapat na impeachment complaint, ay nagsabing kailangan ng publiko ang malinaw na proseso na nakabase naman sa ebidensiya dahil ang taktika ni Duterte at tangkang pagharang sa pagdinig sa pamamagitan ng petisyon para magkaroon ng temporary restraining order (TRO) ay malinaw na pag-iwas na sagutin ang akusasyon laban sa kanya .

“Bigyan natin ng sagot ang tanong ng publiko base sa ebidensiya hindi sa pag-iwas Kung may depensa, ilahad.

Kung may tanong sa testigo, itanong sa hearing. Hindi po pwedeng i-dismiss sa labas ang mga testigo pero iiwasan ang pagkakataong harapin sila sa loob ng proseso,” ayon kay Ortega.

Ayon sa mambabatas ang House proceedings ang tamang lugar para sa ikalawang pangulo ng bansa na iprisinta ang kanyang panig at direktang sagutin ang laegasyon laban sa kanya.

Punto ni Ortega ang ginagawa ng kampo ni Duterte ay kabaliktaran ng kanyang posisyon dahil naunang isinulong ng kanyang kampo ang pagdinig sa Kongreso bilang parte ng due process.

 “Ano ba talaga ate? Sabi nyo gusto nyo ng hearing muna sa House bago ang Senate impeachment court para marinig ang side nyo, ngayon namang may hearing pinipigilan nyo pa rin. Kung talagang mahina ang ebidensiya, humarap at sumagot kayo, hindi puwedeng nagtatago sa teknikalidad para lamang patulong na umiwas. Bistado na ang style na ito at nahahalata na ng mga tao,” diin ni Ortega.

Paliwanag ni Ortega layon ng impeachment proceedings na alamin ang katotohanan sa pamamagitan ng ebidensiya at sinumpaang salaysay hindi sa pahayag sa media na labas sa proseso. (KARLO GARCIA)

Exit mobile version