- Advertisement -

Pasig City wagi sa $1-M Bloomberg grant

- Advertisement -
Advertisement

MAKAKATANGGAP ang lokal na pamahalaan ng Pasig City sa ilalim ni Mayor Vico Sotto ng kabuuang $1-M mula sa Bloomberg Philanthropies dahil sa proyekto nitong floating parks.

Ang nasabing lumulutang na mga parke na tinaguriang isa sa ‘world’s top urban innovations’ ay planong ilagay sa Pasig River at pangangasiwaan ng mga residente ang operasyon nito na bubuo sa Parks Governance Council.

Batay sa nasabing programa, ang mga floating parks ay may kabuuang 700 square meters lakip na ang modular circular platforms gamit ang converted [ship] barge na kayang maglulan ng 250 katao.

Ayon sa lokal na pamahalaan, dahil sa ilalagay na basang lupa sasalain nito ang tubig, at babawasan ang pag-apaw ng ilog dahil sa retention system.

Ang plano kung saan ilalagay ang floating parks. (Contributed photos)

Ang napanalunang halaga ay madadagdagan pa para sa operational support at dagdag na pondo para sa mga staff na mangunguna sa proyekto upang malaman kung kailangan pa itong palawakin.

BASAHIN  2 estudyante sa Pasig kinadyot ng saksak ng kapuwa estudyante
Advertisement

Sa susunod na mga buwan, ipa-finalize na ng Pasig City ang disenyo at pasisimulan na ang konstuksyon ng mga floating parks at makikipag-ugnayan sa pribadong sektor gayundin sa nasyunal na pamahalaan at mga ahensya para sa regulatory at teknikal na mga aspeto.

Ang Pasig ay isa sa 25 na mga lungsod sa Pilipinas na sumali sa nasabing kompetisyon kung saan nasa 630 lungsod naman ang sumali mula sa iba’t ibang bansa sa 2025-2026 Mayors Challenge.

Maliban sa Pasig, nasa ‘global top 50 finalists’ naman ang Naga City at Cauayan City.

Ang founder ng Bloomberg Philanthropies ay si Michael R. Bloomberg na dating alkalde ng New York City kung saan todo-suporta ito sa mga malikhaing ideya ng lokal na mga pamahalaan sa daigdig na naghahanap ng solusyon sa karaniwang mga suliranin ng mundo gamit ang kakaibang inobasyon.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

Mayor Jeannie Sandoval inspects evacuation centers, ensures continuous aid for Malabon residents

MAYOR Jeannie Sandoval continues her visits to various evacuation centers to personally check on residents affected by the Southwest Monsoon (Habagat) flooding and ensure...

Asian gold medalist kinilala sa San Juan

Bilang pagkilala sa kanyang galing sa Jiu-Jitsu, pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagbibigay plaque at City Resolution na P100,000 cash...

Philippine Red Cross, government agencies forge united front in El Niño preparedness forum

AS the country braces for severe dry spells, extreme heat, and water scarcity, the Philippine Red Cross (PRC), alongside key government agencies, convened for...

Pagsipa ng pertussis sa bansa nakababahala na, ayon sa DOH

NAKAKABAHALA na ang pagsipa ng mga kaso ng tigdas at pertussis sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) batay sa kanilang pinakahuling datus. Ang...

Sayaw na Sanghiyang, sayaw sa Demonyo?

ANG Sanghiyang ay isang popular na sayaw noong panahon ng Kastila sa mga bayan ngIndang at Alfonso, Cavite. Ito ay pinaghalong lokal na relihiyon,...

Masbateña athlete represents Philippines at world athletics U20 championships

FORMER Masbate Sports Academy (MSA) standout Ana Bhianca G. Espenilla raised the Philippine flag on the global stage after competing in the Women’s Javelin...
- Advertisement -