- Advertisement -

Kaayusan at seguridad para sa ‘Undas 2025’ inilatag ng Rizal PNP

- Advertisement -
Advertisement

INILATAG na ng pamunuan ng Rizal Provincial Police Office (Rizal PPO) ang mga paghahanda para sa kaayusan at seguridad ng nalalapit na Undas ngayong taon.

Ito ang sinabi ni PCol. Feloteo Gonzalgo, provincial director ng Rizal PNP, upang tiyakin na magiging ligtas, payapa at maayos ang pagdalaw ng mga kaanak sa namayapang mahal sa buhay sa iba’t ibang sementeryo sa lalawigan mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2, 2025.

Ayon kay Gonzalgo, sa 83 libingan sa lalawigan, 36 sa mga ito ay pampubliko at 47 ang mga pribado maliban pa sa 7 columbarium na inaasahang pupuntahan ng 405,000 katao batay sa pinakahuling datos ng pulisya.

Ang bilang ng kapulisan at ang mga force multiplier na ikakalat sa buong lalawigan ay may bilang na 2,340 upang magtulungan sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad.

Sa Antipolo City ay itatalaga ang pinakamarami sa mga ito na may bilang na 369, sa Taytay ay 315, sa San Mateo ay 202 at 182 naman sa Angono, mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga dumadalaw.

“Hinihikayat ko ang publiko na malaking bagay ang inyong pakikipagtulungan at pagsunod sa kung anuman ang ipapatupad naming kaayusan,” ang pahayag ni Gonzalgo sa panayam ng mga miyembro ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps.

BASAHIN  Tiyuhin timbog sa panggagahasa sa pamangkin
Advertisement

“Batay sa ginawa naming “Ligtas Undas 2025” na programa at magsisilbing operational guidelines namin, nakasaad dito ang paglalagay ng 84 police assistance desks (PADs) sa mga sementeryo maliban pa sa QRT o quick reaction team na reresponde sa mga emergency situations,” dagdag pa ni Gonzalgo.

Tulad ng karaniwan na, bawal magdala ng anumang inuming nakalalasing, baril, pagsusugal sa mga puntod at malalakas na tugtugan na makagambala sa katahimikan.

“Siyempre pa, pinapaalalahanan natin ang ating mga kababayan na tiyaking naka-tarangka ang inyong mga pinto at bintana sakaling walang maiiwan sa inyong bahay upang ligtas sa mga magnanakaw,” ayon pa kay Gonzalgo.

Idinagdag pa ng provincial director na babantayan din nila ang ilang mga lugar ng pasyalan lala pa’t karaniwan na aniya na isinasabay na rin ng ilan ang pamamasyal sa panahon ng undas.

“Titiyakin namin na handa at nakaalerto ang buong puwersa ng Rizal PNP upang seguraduing ligtas at maayos ang paggunita ng ating mga kabayan sa kanilang namayapang mga mahal sa buhay,” pagtatapos ni Gonzalgo.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

TESDA reaffirms TVET commitment following PBBM’s SONA highlights

THE Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) has reaffirmed its commitment to advancing an accessible, future-ready skills training system following President Ferdinand "Bongbong"...

4,500 job opportunities up for grabs as TESDA launches “Skills Compass” on 32nd anniversary

AROUND 4,500 employment opportunities opened up on Monday, August 24, as the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) marked its 32nd anniversary with...

MMDA revives iconic ‘Love Bus’ as zero-emission fleet alongside new interactive gallery

FIRST Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos joined Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes and key Metro Manila officials on Wednesday to inaugurate...

Employees suffering work-related injuries amid bad weather entitled to compensation

AS severe weather conditions heighten workplace hazards and commuting risks across the country, the Department of Labor and Employment (DOLE) reminded Filipino workers that...

Libreng dialysis sessions, handog ng Navotas Hospital

Magkakaloob ng libreng dialysis treatment ang Navotas City Hospital matapos nitong tumanggap ng walong bagong hemodialysis machine mula sa lokal na pamahalaan. Pinangunahan mismo nina...

PhilHealth expands GAMOT program to include free anti-TB medicines starting November 2026

THE Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) is broadening access to essential healthcare by integrating first-line anti-tuberculosis medications into its Guaranteed and Accessible Medications for...
- Advertisement -