- Advertisement -

Kumpanya na dating pagmamay-ari ng mga pulitiko bawal na sumawsaw sa gov’t projects

- Advertisement -
Advertisement

ISUSULONG ni Senador Sherwin Gatchalian ang isang panukala na magbabawal sa mga kumpanya na dating pagmamay-ari ng mga pulitiko na sumali para makakuha ng infrastructure projects sa gobyerno kasali na ang may kinalaman sa flood control.

Sinabi ni Gatchalian na kapag ito’y maisabatas, magkakaroon na ng panibagong reporma kung paano ipapatupad ang mga proyekto ng pamahalaan at magiging epektibo na ang pagresolba sa problema sa korapsyon.

Ayon pa sa mambabatas, nagiging palusot na lamang umano ng mga pulitiko na nag-divest na kunyari sila sa kumpanya na dati nilang pagmamay-ari para lang makasali sa mga proyekto ng pamahalaan.

Giit pa ng senador, nalaman umano niya na batay sa kamakailang mga ulat ang ilang mga pulitiko na may nagpanukala ng isang government projects sa distrito nito ay siya ring nagsisilbing contractor ng nasabing proyekto kung saan kitang-kita umano na may conflict of interest.

BASAHIN  Palace assures strict oversight for ₱2.88-B evacuation center funds in 2027 budget
Advertisement

“May mga ulat na ilang politiko ay sangkot o nasa likod ng mga ghost projects o ang tinatawag kong ‘ampaw’ projects. Kailangan nating suriin ang kanilang koneksyon sa maanomalya na mga proyektong ito,” saad ni Gatchalian.

Inihayag pa ng mambabatas na malaki aniya ang magiging epekto nito sa kung papaano ang magiging kabuuang larawan ng susunod na national budget lalo na’t siya na ang chairman ng Senate Finance Committee.

“Tandaan natin na 9,000 proyekto ang ating pinag-uusapan dito at hindi lang may kinalaman sa flood control. Kasama rin dito ang mga kalsada, highways, at iba pang infrastructure developments,” ayon pa sa senador.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

Group demands investigation into falsified cause of death in ‘drug war’ cases

AHEAD of All Souls’ Day, the Truth Commission has called on the Professional Regulation Commission (PRC) and the Philippine Medical Association (PMA) to investigate...

Philippines targets new growth frontier with AstraZeneca partnership

THE Philippines is setting its sights on becoming Asia’s premier clinical research and life sciences hub, driven by an expanded strategic partnership between the...

Red Cross deploys heavy assets and health teams for southwest monsoon response

THE Philippine Red Cross (PRC) has intensified its full-scale humanitarian response across Luzon, deploying specialized rescue, medical, relief, and sanitation teams as monsoon-induced flooding...

Bilang ng nabubuntis bago at pagkatapos ng pandemya, bumaba

BUMABA ang bilang ng mga nabubuntis kahit pa noong bago at pagkatapos ng pandemya, ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Commission on Population...

2 Bilyonaryo kinilala ang suporta sa local sports

KINILALA ang kapwa bilyonaryo na sina Ramon Ang ng San Miguel Corp. group ofcompanies at Manuel Pangilinan dahil sa kanilang hindi matatawarang pagsuporta saPhilippine...

Tarlac weaves its way onto national textile map, empowering 900 local artisans

NEARLY 900 Tarlaqueño artisans are set to benefit from expanded economic opportunities as Tarlac officially joined the Philippine Textile Map during a ceremonial dressing...
- Advertisement -