- Advertisement -

Thailand-Cambodia tigil putukan muna

- Advertisement -
Advertisement

SINIMULAN na ng Thailand at Cambodia ang usapang tigil-putukan muna habang pinag-uusapan ang kanilang girian kaugnay sa pinag-aawayang border dispute kung saan nasa ika-limang araw na ang kaguluhan.

Batay sa huling ulat, mahigit 2,000 katao na ang nagsilikas malapit sa nasabing pinagtatalunang lugar dahil sa sunod-sunod na palitan ng rocket at gun fire.

Ang nasabing pag-uusap ng dalawang bansa ay isinagawa sa Putrajaya, Malaysia kung saan namagitan si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, Lunes ng hapon, Hulyo 28.

Dumalo sa nasabing usapang tigil-putukan sina Thailand acting Prime Minister Phumtham Wechayachai at Cambodia Prime Minister Hun Manet.

Ito’y matapos mamagitan si US President Donald Trump at tinawagan kapuwa ang mga lider ng dalawang bansa na ayon sa kaniya ay pumayag naman na mag-usap sa lalong madaling panahon.

BASAHIN  PH champions ASEAN digital integration and trade expansion at Singapore summit
Advertisement

Bilang kasalukuyang chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), namagitan si Anwar sa naturang pag-uusap kasama ang mga opisyan ng US State Department at ilang delegasyon mula sa bansang China.

Bago nito, inaakusahan ng bawat isa na nagpasimula ng girian hanggang umabot sap unto na nagpalitan na ng putukan mula sa magkabilang panig kung saan hindi naniniwala ang Bangkok na “kumikilos sa paraang tama” ang Phnom Penh.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng defense ministry ng Cambodia na si Maly Socheata na nasa ika-limang araw nang sinasakop ng Thailand ang teritoryo nila na may dalang heavy weapons at pagpapakalat ng mga tropang sundalo.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

Tulong ni Ka Rex Cayanong pinabilis, pinasimple gamit ang QR code

PINABILIS at wala ng pasikot-sikot pa ang pagbibigay ng tulong ng batikang broadcaster at pilantropo na si Ka Rex Cayanong sa kanyang mga kabarangay sa...

‘One Education’ inilunsad ng DepEd, CHED, at TESDA

INILUNSAD ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang “One Education” sa ginanap...

MMDA revives iconic ‘Love Bus’ as zero-emission fleet alongside new interactive gallery

FIRST Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos joined Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes and key Metro Manila officials on Wednesday to inaugurate...

Dr. Tony Leachon warns Philippine universal health care could collapse by March 2027 amid severe funding shortfalls

RENOWNED health reform advocate and prominent physician Dr. Tony Leachon has issued an urgent, high-stakes warning that the country’s Universal Health Care (UHC) system...

Brownlee, Nais maging army reservist team China, tila namatayan

SINABI ni Senador Francis Tolentino nitong Sabado na ang Gilas hero na si Justin Brownlee aynagnanais na maging isang Philippine army reservist. Sa isang interview,...

Benguet strengthens fight against STIs and HIV with new provincial ordinance

THE Provincial Government of Benguet has taken a significant step forward in combating sexually transmitted infections (STIs), HIV, and AIDS following a policy dissemination...
- Advertisement -