Crime solution efficiency ng EPD tumaas ngayong taon

TUMAAS ngayong taon ang crime efficiency solution (CSE) o epektibong pagresolba sa krimen ng Eastern Police District (EPD) kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa opisyal na pahayag ng pamunuan ng EPD, pumalo sa 95.9% ang crime efficiency solution sa huling lingo ng Mayo 2025 kumpara sa huling lingo ng Mayo noong 2024 na may naitalang 82.1% CSE.

Sinabi ni PBGen Aden Lagradante, district director ng EPD, ang pag-angat na ito ay resulta ng pinaigting na police visibility at mas aktibong pakikipag-ugnayan sa mga komunidad sa ilalim ng Metro East.

Batay sa datos, 38 operasyon laban sa ilegal na droga ang naisagawa at 54 suspek ang nahuli, na may 337 sachet ng shabu at 18.8 gramo ng marijuana na may tinatayang halaga na P2,319,800.00.

Umabot sa 63 nagtatagong kriminal ang nahuli sa ikinasang manhunt operation kung saan 2 dito ang top most wanted, 5 most wanted at 56 other wanted person.

Pagdating sa kampanya kontra ilegal na sugal, 55 indibiduwal ang nahuli na may kalakip na P12,883 pusta ang nakumpiska mula sa mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Tatlong suspek naman ang nahuli sa paglabag at pagkakaroon ng di-lisensyadong baril kung saan walang may naipakitang papeles, ayon pa sa report.

“Ang  mabilis at maayos na pagresolba  ng krimen sa Metro East ay resulta ng walang humpay na dedikasyon ng ating mga kapulisan, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at mismong mamamayan,” Ayon kay Lagradante.

Sinabi pa ng district director na aktibong isinusulong ng EPD ang mga community-based programs gaya ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at mga crime awareness seminars upang hikayatin ang partisipasyon ng publiko sa pagpapanatili ng kaayusan.

“Pinatutunayan nito na ang mas mataas na presensiya ng kapulisan sa mga lansangan ay epektibong deterrent laban sa krimen sa mga pampublikong lugar gaya ng palengke, terminal, komersyal na establisyimento, at mga lugar na dati nang naitalang hotspot ng krimen,” dagdag pa ni Lagradante.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...