Menor-de-edad naisalba sa naudlot na panggagahasa ng isang Chinese national

ABOT-langit na pasasalamat ang ibinulalas ng isang dalagita matapos siyang agarang masagip ng kapulisan ng Mandaluyong PNP mula sa seksuwal na pang-aabuso ng isang Chinese engineer, alas-8 ng gabi, Marso 9, 2025.

Sa ulat na nakarating kay PCol. Villamor Tuliao, director ng Eastern Police District (EPD), kinilala ang suspek na si alyas “Li Liam,” 59, isang engineer at kasalukuyang namamalagi sa isang condominium unit sa Brgy. Hulo, Mandaluyong City.

Napag-alaman sa imbestigasyon na sumama ang biktima na kinilalang si “AAA,” 13-anyos, sa kanyang kaibigan para mag-swimming umano sa condominium na pagmamay-ari ng tiyahin nito.

Pagkarating ng dalawa sa nasabing lugar ay sinundo umano sila ng suspek at dinala sa sarili nitong unit na ayon sa biktima ay unang beses pa lamang niyang nakatagpo ngunit ang ipinagtataka niya ay na tila ba matagal nang kakilala ng kaniyang kaibigan.

Lalong lumakas ang masamang kutob ng biktima nang biglang nagpaalam ang kaniyang kaibigan at inabutan ng ilang piraso ng tig-iisang libong papel na pera ng suspek bago umalis.

Sinabi pa ng biktima na ilang sandali pa ay tinangka na umano siyang pagsamantalahan ng suspek at pilit na pinapasubo ang ari nito sa dalagita.

Naudlot lang umano ang tangkang panghahalay nang utusan ng suspek ang biktima na maligo muna. Ginamit naman ng dalagita ang pagkakataong ito upang padalhan ng text message ang kaniyang ina na agad namang nagsumbong sa mga pulis.

Makalipas lang ang ilang minuto ay dumating agad sa nasabing lugar ang mga operatiba at matagumpay na isinagawa ang warrantless arrest matapos makumpirma ang mga detalye ng insidente.

Kasalukuyang nahaharap sa kasong paglabag ng R.A. 8353 o Anti-Rape Law of 1997 na may kaugnayan sa R.A. 7610 o An Act Providing for Stronger Deterrence and Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination at pansamantalang nakapiit sa Mandaluyong City Police Station.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...