2-M halaga ng shabu kumpiskado sa HVI, isa pa sa Pasig

UMABOT sa P2,040,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Eastern Police District (EPD) sa ikinasa nitong buy-bust operation sa Brgy. Pinagbuhatan dakong alas-5 ng hapon, Enero 26.

Arestado ang dalawang suspek na sina alyas “Ryan” na itinuturing na isang ‘high value individual’ (HVI) at alyas “Andrea” na parehong 24-taong gulang at kapuwa residente ng nasabing barangay.

Batay sa ulat na nakarating kay PCol. Villamor Tullao, district director ng EPD, ikinasa ng DDEU ang nasabing operasyon nang makatanggap ang mga ito ng impormasyon mula sa isang confidential agent na muling nagbebenta ang suspek ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa imbestigasyon, dati nang nadakip ang suspek noong Agosto 10, 2022 sa kahalintulad na kaso, kung saan humigit kumulang 55 gramo ng shabu ang nakumpiska mula sa rito, ngunit ito ay napawalang-sala.

“Tututukan natin itong partikular na kaso na ito at titiyakin natin na sa pagkakataong ito ay hindi na makakalaya itong suspek na ito…upang mabigyan ng hustisya ang kawawang mga naging biktima ng mga ito,” ang sinabi ni Tuliao sa panayam ng BRABO News.

Pansamantalang nakakulong ang dalawang suspek sa Pasig City Custodial Facility habang inihahanda ang isasampang kaso na paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 Art. ll ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...