Idineklarang special non-working day ang Pebrero 16 sa Caloocan City.
Ito ay para sa selebrasyon ng ika-62 Cityhood Anniversary ng lungsod.
Kasabay nito ang pagdaraos ng Caloocan local government unit (LGU) ng One-Stop-Shop Community-Based Health Services Program.
Iginiit ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na ang pagdiriwang ng city anniversary ay dapat na mailaan sa serbisyo-publiko, kaya’t nagkasa sila ng ‘Simultaneous One-Stop-Shop’ program, para matiyak na ligtas ang mga residente laban sa anumang sakit.
“Nalalapit na po ang Caloocan City Day, at ano pa nga ba ang magandang paraan upang ipagdiwang ito kundi sa pagbibigay ng serbisyo at paglilingkod sa ating mga mamamayan,” ayon kay Mayor Along.
Ilan lamang sa libreng medical services, ang medical and dental consultations, chest x-ray, routine immunization, nutrition services, natural family planning, at sexually-transmitted diseases screening na nakalaan para sa mga residente ng Barangays 16, 83, 172, 174, 176 at 186.