PNP Chief Gen. Acorda, nagsampa ng reklamo laban sa vlogger na nagdawit sa kaniya sa isyu ng destabilisasyon

Kinasuhan ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang vlogger na si retired AFP Gen. Johnny Lacsaman Macanas Sr., na nagdawit sa  kaniyang pangalan kaugnay sa sinasabing destabilization plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kinumpirma ito ni PNP PIO Chief Col. Jean Fajardo, kasabay nang paggiit na walang katotohanan ang mga sinabi ni Macanas na suportado ng PNP Chief ang tangkang distabilisasyon laban sa kasalukuyang administrasyon.

Una na aniyang sinabi ni Gen. Acorda na hindi nito palalampasin ang pagpapakalat ng maling impormasyon, kaya’t agad itong kumilos at nagtungo sa Quezon City Prosecutors Office upang sampahan si macanas ng kasong paglabag sa article 154 ng Revised Penal Code o Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances in Relation to Anticybercrime Law.

Dagdag pa ni Col. Fajardo, nanawagan din si Gen. Acorda na respetuhin ang uniporme ng PNP at huwag nang idamay sa isyu ng planong destabilization plot laban sa Pangulo.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...