Halos ₱42-M alahas, pera, nilimas sa Ozamiz pawnshop

Share

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang tatlong suspek sa panloloob sa isang jewelry
store sa loob ng shopping mall sa Ozamiz City, nitong Enero 1.


Umabot sa P41.7 milyong halaga ng mga alahas pati na halos P700,000 na cash ang
nakulimbat ng mga magnanakaw.


Sinabi ni Maj. Dennis Tano, Ozamiz City police chief, na tila ilang buwan ding plinano
ang pagnanakaw.


Ayon sa inisyal na report na pulisya, nakapasok ang mga magnanakaw sa loob ng
Gaisano Mall, alas-tres ng madaliang araw, Enero 1, sa pamamagitan nang paggawa ng
butas sa ilalim ng drainage gamit ang ilang heavy equipment.


Bukod sa mga alahas at pera na tinangay ng mga suspek sa dalawang jewelry shops,
sinira rin nila ang kalapit na ATM machine at kinuha ang perang laman nito. Wala
pang report ang banko sa halaga nang nakuha ng mga kawatan.

BASAHIN  Ilang driver sa Binangonan ‘di nakiisa sa transport strike

Nadiskubre lamang ang nakawan nang pumasok sa food court area si Randy Molina
Villadores, kawani ng mall, kahapon, 11:35 ng umaga para buksan ito.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang ilang empleyado at pinag-aaralan nila ang kuha ng
security cameras na kung saan, nakita ang mga salarin.

IBA PANG BALITA

Halos 24,000 guro sumalang sa assessment test para maging school principal

UPANG higit pang itaas ang antas at kalidad ng basic education, umabot sa 23,994 mga guro ang kumuha ng pagsusulit para maging schoo, principal. Layon...

QCitizen Data platforms para sa transparent na pamamahala inilunsad ng QC LGU

PARA palakasin pa ang transparent na pamamahala at accountability, inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang “QCitizen Data: Resibo ng Serbisyo,” nitong...

VIRAL VIDEO: LGBTQ na nanakit ng bata, arestado ng Taguig PNP

ARESTADO ang isang miyembro ng LGBTQ matapos mahuli ng mga tauhan ng Taguig City Police Station kaugnay sa isang viral video ng pananakit ng...

44 lugar sa bansa pasok sa danger-level heat index

INANUNSYO ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasan sa 44 lugar sa bansa ang init na magsasapanganib sa buhay (danger-level...

Lalaking nagbitin ng pusa sa parke sa Pasig, arestado

ARESTADO ang isang 38-anyos na construction worker matapos itong makilala sa isang CCTV footage kung saan makikita kung paano nito binigti ang isang patay...

P1.7 Trilyon para sa infra projects sa Visayas

Dugay ka na sa Maynila tonto ka pa gihapon. (Matagal ka na sa Maynila ay wala kapa ring alam hanggang ngayon.) Baka tuluyan nang maibabaon...