- Advertisement -

Phivolcs modernization, suportado ng Senado

- Advertisement -
Advertisement

Mamadaliin na ng Senado ang panukalang modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ito ang tiniyak ni Sen. Alan Peter Cayetano, chairman ng committee on science and technology, kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol matapos nitong ihayag na nais nila ng modernisasyon sa loob ng limang taon.

Iginiit ni Bacolcol na nangangailangan ang Phivolcs ng mga makabagong kagamitan sa pagmo-monitor sa pagsabog ng bulkan, tsunami, at pagtukoy ng danger zones sakaling magkaroon nang mga pagyanig.

Mayroon aniyang 24 aktibong bulkan sa bansa, kung saan, 10 lamang ang patuloy na namo-monitor ng Phivolcs, at tanging ang bulkang Mayon at Taal lamang ang may kumpletong monitoring instruments.

BASAHIN  Surigao del Sur, muling niyanig ng lindol
Advertisement

Maliban dito, kinakailangan din ng karagdagang 300 seismic stations at 50 monitoring stations para sa tsunami.

Sa 832 na mga munisipalidad at siyudad sa bansa na expose sa posibleng tsunami, 29 lamang
ang may monitoring stations.

Una nang sinabi ni Sen. Cayetano na hindi siya tutol sa P120 bilyon na proposed budget ng
Phivolcs para sa limang taon, pero isinusulong niya na gawin itong pitong taon sa halip na lima,
upang matiyak na mapopondohan ito ng gobyerno.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

House bill proposes ₱12,000 annual subsidy to boost minimum wage families and local MSMEs

ELEVEN members of the House of Representatives have filed House Bill No. 10648, or the Pambansang Agapay sa Pamilya at Maliliit na Negosyo (PAMANA)...

Record-breaking 261 baptized at Jehovah’s Witnesses International Convention in the Philippines

THE pursuit of lasting joy took center stage at the 2026 International Convention of Jehovah’s Witnesses, marked by a historic milestone that highlights the...

AstraZeneca umamin, COVID vaccine maaaring magdulot ng masamang epekto

SA kauna-unahang pagkakataon ay inamin ng pharmaceutical giant na AstraZeneca batay sa mga isinumite nitong dokumentong legal, na maaaring magdulot ng iilang masamang epekto...

Cebu Pacific expands Asian reach with new regional routes in Q4

CEBU Pacific (PSE: CEB) is boosting its international network in the fourth quarter of 2026, introducing multiple direct flights from key Philippine hubs to...

3 sa pinakamatandang empleyado sa mundo

Irving Kahn (1905 – 2015) Si Irving Kahn ang pinkamatandang empleyado sa buong mundo. Isa siyang investment banker sa Amerika at nag-retire sa edad na...

Mayor Maan urges qualified professionals to join Marikina schools as full-time counselors

MAYOR Marjorie Ann “Maan” Teodoro has issued a call for qualified professionals to join the city’s public school system as full-time guidance counselors, aiming...
- Advertisement -