- Advertisement -

Daria ramirez sa ex na si Joey de leon: tulong!

- Advertisement -
Advertisement

TULONG!


Ito ang mensahe ng beteranang aktres na si Daria Ramirez kay Master Henyo, Joey de
Leon na dati niyang asawa.


Anak nila sina Keempee at Cheenee de Leon, at kasal ang mga magulang nito.


Sa isang interview ng artista at vlogger na si Ogie Diaz nitong Lunes, inilahad ni Daria na
gipit na gipit siya ngayon, kaya naglakas-loob siyang humingi ng tulong sa dating asawa.


Panawagan ni Daria, “Don De Leon, baka naman, ano siguro naman nararamdaman mo,
hindi mo lang pinapansin. Kailangan ko ng tulong mo… Hindi lang masabi ng mga anak
natin dahil ayaw nilang gumitna.”


Nilinaw ni Ogie na tulong pinansiyal ang kailangang ni Daria, dahil obviously, wala siyang
trabaho.


Sinabi pa ni Daria, “Every day iniisip ko, kanino na naman kaya ako lalapit para
makabayad ng ganito, ng gano’n…Baka naman [Joey]. Sana man lang maramdaman mo
na naging bahagi rin naman ako ng buhay mo.”


Sinabi pa ni Daria kay Joey na sana magpa-annul na sila para maging legal na ang
pagsasama nila ni Eileen Macapagal.

BASAHIN  Suportahan ang 911 emergency services - Gatchalian
Advertisement


Hindi pa rin malinaw kung annulled na nga ang kasal nina Daria at Joey, dahil wala naman
natatanggap na balita si Daria tungkol dito.


Samantala, naungkat tuloy ang serye nang sama ng loob ni Kempee sa isang taong hindi
niya pinangalanan na hindi man lang daw inaalam kung buhay pa siya. Kahit hindi nito
sinabi sa social media posts, malamang na ang amang si Joey ang binanggit ni Kempee,
na diumano, walang pakialam sa kaniya.


Ikinasal sina Joey at Eileen noong Marso 2018 at nagkaroon ng tatlong anak, sina Jocas
Eightria, Jako Raphaelle, at Jio Sebastian.


Ayon sa Pep.ph, kabilang daw sa mga hinihiling ni Daria sa ex-husband ay ang matitirhan
at monthly allowance lalo pa’t wala raw siyang steady income.


Ayon sa ilang fans ng E.A.T., dapat daw bigyan nang tulong-pinansiyal ni Joey ang
kanyang ex dahil milyon-milyon naman ang kinikita nito bawat taon.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

Graduate researchers get more time to submit for prestigious KWF Academic Award

THE Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) has officially extended the submission deadline for the 2027 Gawad Julian Cruz Balmaseda to October 30, 2026, at...

San Juan City distributes free rubber shoes and PE uniforms to 13,000 students

MAYOR Francis Zamora spearheaded the distribution of free customized rubber shoes and physical education (PE) uniforms to 13,000 K–12 public school students on Monday,...

Puregold’s Teatro Panalo Festival hands out ₱1.2M to 12 finalists

THE Puregold Teatro Panalo Festival awarded a total of ₱1.2 million to its 12 official finalists during a ceremony held on October 14 at...

Employees suffering work-related injuries amid bad weather entitled to compensation

AS severe weather conditions heighten workplace hazards and commuting risks across the country, the Department of Labor and Employment (DOLE) reminded Filipino workers that...

Asian gold medalist kinilala sa San Juan

Bilang pagkilala sa kanyang galing sa Jiu-Jitsu, pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagbibigay plaque at City Resolution na P100,000 cash...

Cebu Pacific expands Asian reach with new regional routes in Q4

CEBU Pacific (PSE: CEB) is boosting its international network in the fourth quarter of 2026, introducing multiple direct flights from key Philippine hubs to...
- Advertisement -