Marian – Dingdong hiwalayan na?

MAINIT na topic ngayon sa social media ang posibleng hiwalayang Marian Rivera at Dingdong
Dantes, ayon sa Stars Scoop YouTube channel.


Umuugong ang bali-balitang inihanda na raw ni Marian ang divorce papers. Ito ay matapos
diumano na nabalitaan niya ang pambababae ni Dingdong, kaya nawawalan na siya nang tiwala
sa asawa at natatakot daw na baka (tuluyan nang) ipagpalit pa siya sa iba, ayon pa sa naturang
channel.


“Bago pa raw mangyari iyon, sisiguruhin ni Marian na tapos na sila ni Dingdong, para hindi
maging insulto ang kalalabasan nito sa kanya. Para sa karamihan, nasa kanya na ang lahat ng
hinahanap ng isang lalaki, pero bakit nagawa pang ipagpalit?” ayon pa sa Stars Scoop.

“Ang nasabing paghahanda ni Marian ng divorce papers ay patunay lamang na handang i-give-
up ng actress ang pagsasama nila ni Dingdong para hindi naman siya ang maging kaawa-awa sa
huli.” Ayaw diumano ni Marian na sa bandang huli, siya ang sisisihin kaya naghanap ng ibang babae si Dingdong.


Kung totoo nga ang bali-balitang may mas bata at sariwang babae si Dingdong, ayaw isipin ni
Marian na siya ang may malaking pagkukulang kaya naghanap diumano ng iba ang asawa.


Samantala, ayon sa Celebrity Vlog, Sinugod diumano at kinaladkad kamakailan ni Marian ang
kabit ni Dingdong. Alam naman daw ng babae na pamilyadong tao si Dingdong, kaya, dapat
hindi na niya ito pinatulan.


Sa ngayon, wala pang opisyal na kupirmasyon mula kay Marian o Dingdong ang nasabing hot
issues. Abangan na lang ang susunod na kabanata. Bukas ang Brabo News sa anumang pahayag ni Marian o Dingdong tungkol sa isyu.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...