Julie ann san jose, muntik nang maipit sa Israel conflict

HINDI natuloy ang concert nina Julie Ann San Jose, Rayver Cruz, at Boobay sa Tel Aviv Israel
kamakailan, dahil sa pagsiklab ng kaguluhan.


Mayroon sanang concert ang tatlo na Luv Trip Na, Laff Trip Pa, nitong Sabado, Oktubre 7 sa
Smolarz Auditorium at Tel Aviv University, pero agad na kinasela dahil sa pag-ulan ng mahigit
sa 5,000 rockets mula sa Gaza Strip, mula sa Hamas terrorists.


Nagpasalamat nang husto si San Jose at ang kanyang dalawang kasama para sa lahat nang
nagdasal para sa kanilang kaligtasan.


Ayon sa GMA-7, “In light of the recent reports we have received from Tel Aviv, Sparkle’s
management would like to announce that Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Boobay, and the
Sparkle Team, who are currently in Israel for a concert, are all safe.”


Samantala, ligtas na nakabalik ang tatlo sa Clark International Airport nitong October 9, pati na
rin ang buong production staff ng Luv Trip Na, Laff Trip Pa concert.


“Maraming salamat po ulit sa lahat ng inyong mensahe at dasal para sa aming kaligtasan…Our
hearts go out to our kababayans. Everyone in the Middle East and the other parts of the world
who are suffering from this conflict. We continue to pray for peace. We pray for the world,”
saad ni Julie Anne.


Ayon pa kay Julie Anne, sobrang natakot daw sila sa nangyari (lalo na nitong Oktubre 7), dahil
first time nilang nakaranas nang ganitong sitwasyon na kung saan, nanganib ang kanilang
buhay.


Dahil sa pagkansela ng concert, labis na nalungkot at nanghinayang ang buong grupo.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...