Nanaksak ng kainuman, hina-hunting ng Malabon Police  

Hina-hunting ngayon ng Malabon Police ang isang lalaki matapos  tarakan ang kanyang kainuman makaraan ang mainitang pagtatalo sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Nakaratay sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kanang hita ang biktimang si John Patrick Tuburan, alyas JP, residente ng Dulong Herrera, Brgy. Ibaba habang patuloy naman na hinahanting ng  Malabon Polce ang suspek na si Matthew Villaflor alyas Mat-Mat.

Sa report nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Bengie Nalogoc kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, bandang 3:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa SM PLaza, Jacinto, Boundary ng Brgy., Ibaba-Concepcion.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nag-iinuman ang biktima at ang suspek, kasama ang kanilang mga kaibigan sa nasabing lugar hanggang sa malasing si Villaflor at magsuka.

Isa sa kanilang mga kaibigan ang tumapik sa kanyang leeg subalit, sa hindi malaman na dahilan ay ang biktima ang kinompronta ng suspek na naging dahilan ng kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa magsuntukan.

Gayunman, naglabas ang suspek ng patalim at mabilis na inundayan ng saksak ang biktima bago tumakas sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ng mga bystander sa pagamutan si Tuburan.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ng mga rumespondeng tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6 ang ginamit na armas

IBA PANG BALITA

Tulong para sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao ikinasa ng PCSO

BILANG pagtalima sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kumilos agad ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ang Authorized Agent Corporations (AACs) upang...

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...