Michelle dee, May special treatment bilang PAF reservist?

SA HARAP nang mga akusasyon na hindi niya nakumpleto ang training bilang Philippine Air
Force (PAF) reservist, opisyal na nakapagtapos si Michelle Dee nitong Setyembre 30.


Ang 2023 Miss Universe Philippines na si Dee ay tumanggap ng certificate of completion sa
graduation day na ginanap sa PAF Gymnasium, Villamor Airbase, Pasay City.


Kasama ni Dee na dumalo sa graduation rites ang kanyang inang si Melanie Marquez, dating
1979 Miss International.


Matapos ang graduation ni Michelle, isa na siyang ganap na PAF sergeant.


Nagtapos siya ng Basic Citizen Military Training magmula Hulyo – Setyembre, 2023.
Kabilang siya sa Manlawid Class 2023 Bravo.


Sa kanyang mensahe sa Instagram, “The best way to find yourself is to lose yourself in the
service of others… It’s always been a goal of mine to become a civilian reservist, which for me
is one of the highest forms of love for your country! If you’re waiting for a sign — this is Sgt.
Michelle Marquez Dee at your service!”


Super-saya rin si Melanie sa achievement ng kanyang anak na kakatawan sa Pilipinas sa 72nd
Miss Universe Pageant na idaraos sa El Salvador sa November 18, 2023.


“I am proud of my daughter Michelle Marquez Dee and so blessed to have a reserve soldier in
our family. May God bless her always… (She) is also a faithful servant of God,” ayon pa kay
Melanie.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...