Bebot nalunod, patay

Dead on arrival sa pagamutan ang isang babae matapos mahulog sa ilog mula sa bubong ng kanilang bahay para kunin ang alagang aso, kamakalawa sa Barangay 176 North Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Eloisa Bentugao, 28-anyos, residente ng Barangay 176 North Caloocan habang naghiginagpis naman ang inang si Bebenia Retada sa sinapit ng anak.

Ayon sa ina, kaka-graduate lamang ng anak at malaki pa ang pangarap kaya hindi niya inaasahan na ito ang mangyayari sa anak.

Ayon sa report ni  Nestor Patron, Purok leader, bandang 9:00  Miyerkoles ng gabi nang makatanggap sila ng tawag na may nahulog umano sa ilog kaya agad silang rumesponde pero huli na ang lahat dahil hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang biktima na napag-alamang lasing ng mga oras na iyon.

Nakipag-inuman umano ang biktima kasama ang ilang kaibigan at kinakasamang tomboy pero  nagkaroon sila ng pagtatalo na kung saan ay inilagay umano ng lover ng biktima ang alaga nitong aso sa bubong 

At sa hindi inaasahang pangyayari habang nasa bubong ang biktima ay bigla itong gumuho na naging dahilan ng pagkahulog at pagkalunod ng biktima sa ilog.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang kinakasamang  tomboy kung may kinalaman ito sa pagkamatay ng biktima.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...