Away sa gf, tumalon sa building

Masyadong desperado ang isang lalaki na nagresulta ng pagkalasug-lasog ng kanyang katawan at basag na bungo nang lumagapak ito matapos tumalon sa ika-12 palapag ng dormitory building ang umanoy nagkaroon ng kaalitan sa isang babaeng, kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Tinatayang nasa 30-anyos ang edad, katamtaman ang laki ng pangangatawan, may taas na hanggang 5’4”, nakasuot ng kulay itim na t-shirt na may tatak na “The Gamer”,  kulay puting shorts at puting rubber shoes ang biktima.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PCMS Joseph Kabigting, ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, bandang 4:16 ng hapon nang maganap ang insidente sa 12th floor ng gusali ng isang dormitoryo na matatagpuan sa Earnshaw St. sa Sampaloc, Manila.

Ayon sa report ng dormitory security guard na si Almar Jundan, 

biglang pumasok ang biktima sa dormitoryo at mabilis na nagtungo sa isang kuwarto sa mataas na palapag.

Sinabi pa nito  na may pupuntahan lang siya sa itaas, at kaagad na sumakay ng elevator.

Sinundan ni Jundan ang biktima at dito niya nakita na may kausap itong estudyante na tila nag-aaway.

Nabatid na nagpalakad-lakad ang lalaki sa gilid ng gusali at bigla na lang tumalon at mabilis na lumagapak sa sementadong kalsada na agad na nitong ikinamatay. 

Kasalukuyang iniimbestigahan ang kaso kung may naganap na foul play habang hindi na ipinalaam ang pagkakakilanlan ng biktima.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...