Magpinsan nasakote sa pamamaril at droga sa Pasay

Nasakote ng Pasay City Police station ang dalawang suspek sa pamamaril matapos mahuli sa isinagawang follow up operation at maaktuhang nagpa-pot session, Lunes ng umaga sa Sitio San Juan Street, Barangay 190, Zone 20, Pasay City.

Kinilala ni PBGen. Roderick Mariano, district director ng Southern Police District (SPD) ang dalawang suspek na sina Romel Napoles, 42-anyos at John Paul Napoles, 32-anyos habang sugatan naman sa pamamaril ang biktima na nakilala sa alyas na Mae, 24-anyos, live in partner ni John Paul, na naganap bandang 2:30 Lunes ng madaling araw.

Inaresto ang dalawang suspek isinagawang follow-up operation ng pinagsanib na puwersa ng Pasay City Police Station, Substation 5, Investigation and Detection Management Section (IDMS), at Intel Section, dahil sa pamamaril kay Mae at nang magpunta ang mga otoridad sa Sitio San Juan Street, Barangay 190, Zone 20, Pasay City, bandang 11:30 ng umaga ay nahuli naman ang dalawang suspek sa aktong pot session

Ayon sa ina ng biktima na si  Maricel Abueme, nag-away ang kanyang anak at live in partner na si John Paul Napoles, sa hindi malamang dahilan at nagulat siya na nauwi sa pamamaril ang nangyari sa kanyang anak.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang shabu na may timbang  na 0.76 gramo na nagkakahalaga ng ₱5,168.00 at drug paraphernalia na  lighter, foil strip, aluminum foil rolled bilang  tooter.

Nabatid na kinilala ng isang saksi na si Romel Napoles ang bumaril sa biktima.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang suspek sa Pasay detention cell.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...